bc

Puting Rosas

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
drama
bxb
mystery
campus
friendship
school
tricky
turning gay
classmates
serial-killer
like
intro-logo
Blurb

Naranasan mo na bang makatanggap ng puting rosas sa hindi mo kakilala?

*******

Isa akong estudyante, estudyante na ang nais lamang ay makatapos ng pag aaral na may katahimikan sa buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ito ay nagbago.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Rosas
Ren POV: "RENNNN" Nagising ako nang may sumigaw sa aking tainga. Inangat ko ang aking ulo upang malaman kung sino ito at tama nga ako ng hula si Kai. Sinamaan ko ito ng tingin na dahilan para iharang nya ang kanyang kamay sa kanyang mukha. "Sorry,kanina pa kasi kita tinatawag ayaw mo ko pansinin-" "Kaya sinigawan mo na lang ako at tinapat mo pa sa tainga ko?" Pagputol ko sa kanya Nakita ko naman itong sumisipol habang ang kanyang dalawang kamay ay nakalagay sa kanyang batok. "Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko rito. "Bale magpapatulong lang ako sayo" Pagkasabi nya noon ay hinila nya na ako na kinamuntikan pa naming dalawang ikadapa. 'Tss. Hindi man lang tinanong kung tutulungan ko ba sya.' **** "Anak ng" 'ito ba ang magpapatulong,eh halos ako na ang bumuhat ng lahat ng to eh' Nandito kami sa stockroom dahil inutusan pala si Kai na buhatin itong mga box at dalhin sa faculty department. Na sa totoo lang ako lang ang bumuhat ng lahat. "Akala ko ba ikaw ang magpapatulong eh parang ako na ang tinulungan mo" pagrereklamo ko sa kanya "Nahalata mo pala. HAHAHAHA" sabay tawa nito nang malakas. "Tss. Samahan mo na lang ako sa locker kasya tinatawanan mo ko dyan" "Okayy--- kukuhanin mo yung bag mo?" Tumango ako sa kanya at tsaka nagsimula nang maglakad **** "Huh?" "Aba aba kanino galing yan" sabay turo nya sa hawak kong puting rosas. Nagkibit balikat ako at kinuha ang bag ko. Kanino nga ba ito nanggaling,bakit kasi walang lock tong locker dito sa school,bat tinawag pa nilang locker. "Baka sa secret admirer mo" tango tangong sabi nito na may pahawak pa sa kanyang baba. Lumapit ako sa basurahan at tinapon ito. Tss. Kapag nakita ni auntie na may dala akong bulaklak sa bahay tiyak na didiwaraan na naman ako non. "Hoy bat mo tinapon,napakasama mo" reklamo nya sa akin nang itapon ko ang rosas sa basurahan. Akma nya itong kukuhanin nang samaan ko ito ng tingin na dahilan para umatras sy at magsimulang maglakad. Tss. Kung sino man ang nagbigay non hindi ako interesado hindi dahil sa masama ako pero dahil ayaw ni auntie sa mga bulaklak. Nilingon ko pa ito ng isang beses bago sinundan si Kai na ngayon ay nasa gate na. 'Tss. Sya pa ang may ganang mag-iwan.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.3K
bc

The Lone Alpha

read
125.9K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
623.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
832.0K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook