CHAPTER 4: Transferee

867 Words
Ren POV: "Narinig ko kanina na may transferee daw na darating ngayon." "Ano naman kung may darating?" "Hindi lang sya basta transferee ang balita ko isang anak sya ng mayamang bussiness man" Napataas na lang ang aking kilay nang marinig ang usapan nila. "Rennnn" napalingon ako kay Kai nang tawagin nya ako. Na ngayon ay hinihingal dahil sa pagtakbo. "Sino ba kasing nagsabi na tumakbo ka,tignan mo mga halos hindi ka na makahinga." Nakita ko naman syang nagpunas ng kanyang pawis at nagpeace sign. Nang makapagpahinga na sya ay sinabi nya sa akin na magiging kaklase namin ang bagong transferee. Pagkatapos nya yun sabihin ay nagpaalam sya sa akin na pupunta ng cr kaya naman nagpaalam na din ako sa kanya na mauuna sa classroom. **** "May I have this seat?" Napalingon ako sa taong nagsalita na ngayon ay nakaturo sa katabi kong bangkuan. Ngayon ko lang sya nakita dito kaya malamang ay sya ang transferee. Tumango ako sa kanya dahil wala namang nakaupo doon. Pagkatapos ko syang tanguan ay muli kong dinukdok ang aking ulo sa aking upuan. Simula kasi nang magpaalam sa akin si Kai na hanggang ngayon ay wala pa din,sigurado ako na nagbabasketball na yun ngayon kaya naman nandito lang ako sa classroom dahil wala naman akong gusto pang puntahan. Naramdaman kong umupo sya sa aking tabi at hindi na muling nagsalita pa. "Ren,naalala mo ba yung sinabi ko sayo na trans--"humarap ako sa pintuan nang marinig ang kanyang boses. Naputol ang sasabihin nya nang makita nya kung sino ang katabi ko. Nakita ko naman syang napaismid at nagsenyas sa akin na 'bakit nandyan yan?' nagkibit balikat nalang ako sa kanya. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming advicer. Matapos namin sya igreet at kami ay paupuin tinawag nya ang transferee sa harap upang magpakilala. Tumayo naman ito ay nagpunta sa harap. "I'm Lee Monzalez,18 years old." pagkasabi nya noon ay umupo na sya agad. Wala namang nagawa pa ang aming advicer nang umupo na sya agad kaya naman nagsimula na lang syang magdiscuss. *** Natapos ang aming klase at napansin ko na napaka tahimik nya. Kapag tinatanong lang sya ng aming mga guro tsaka lang aya magsasalita. "Hey ako nga pala si Kai at yung katabi mo naman ay si Ren. Gusto mo sumama samin? May tambayan kami ni Ren at walang masyado tao dun."napaawang ang aking bibig nang makita ko si Kai na kinakausap si Lee. 'Tss. Hindi nya talaga palalampasin si Lee. Wag kang mag-alala Lee ganyan din sya noong bago kami magkakilala.' Tumango naman ito na hindi ko iniexpect na gagawin nya. Tumayo na ito at kinuha ang kanyang bag na sya ko ring ginaya. Kagaya nang sinabi ni Kai nagpunta kami sa rooftop. "Hoii Ren magkatabi pa man din kayo hindi ka man lang nagpakilala kanina." Napailing na lang ako kay Kai nang sermonan nya ako. Pano ko magpapakilala eh hindi nga rin sya nagpakilala sa akin kanina. Napalingon ako sa dalawa na hanggang ngayon ay nag uusap. Simula kasi nang umalis kami sa classroom ay abot na ang tanong ni Kai kay Lee habang nasa daan kami kanina na sinasagot din naman nito. Magtatanong sana ulit sya nang pigilan ko na sya. "Kai, pagpahingahin mo muna sya. Hindi mo ba nakikita napagod sya sa paglalakad at alam kong ikaw din." Agad naman nya itong tignignan at nang makita nya ang tumatagakgak na pawis nito ay agad naman syang humingi ng tawad dito at binigyan niya ito ng tubig. Inabot naman ni Lee ito at ininom. 'Tss. Wala akong balak mangialam kaso baka mainis sya kay Kai at saktan ito. Hindi ko alam ang ugali nito dahil lagi lang syang nakapoker face.' Lumingon ako dito nang mapansin kong nakatingin ito sa akin. Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay nag-iwas sya nang tingin. 'What the--ang weird nya.' **** Nandito kaming dalawa ni Kai sa bahay nila. Simula kasi nang mangyari ang insedenteng iyon ay dito nako pinatuloy ng parents ni Kai para rin daw mapanatag ang loob nila tuwing aalis sila at naiiwan mag-isa si Kai. "Hey Kai,ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?"lumingon ito sa akin nang nakakunot ang noo. Natahimik ito nang ilang segundo at saka nagsalita. "Ahhhhh"tumango tango ito at lumapit sa akin at saka nagpatuloy sa kanyang sinasabi. "Nalaman ko kasi kanina habang naglalaro kami ng basketball na naging soccer player pala si Lee." Kumunot naman ang aking noo at akma nang magsasalita nang unahan nya ako. "Wait lang,patapusin mo muna ako bago mo ko tignan ng ganyan"natatawang sabi nito na syang tinanguan ko lang. "Diba nga mahilig kang manuod ng soccer,so basically gusto kong sabihin na baka nakita mo na sya sa mga napanuod mo na match dahil madalas daw silang nananalo." napaisip naman ako sa kanyang sinabi,'nakita ko na nga ba sya?' "So ano ang sagot mo,nakita mo na ba sya dati?" curious na tanong nito sa akin. "Hindi ko alam,hindi ko na masyado maalala kung nakita ko na sya pero parang hindi pa. Sigurado ka bang nagibg soccer player sya?" Mabilis naman syang tumango sa akin. Pagkatapos ng usapin namin na iyon ay pinagpatuloy na namin pareho ang aming ginagawa dahil hindi ko talaga maisip kung nagkita na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD