CHAPTER 9: Again

663 Words
Ren POV: " And Alexander Fleming is an English physician and bacteriologist. He worked with antibacterial substances and named it "lysozyme". His most famous contribution to biology is the discovery of penicillin,an antibiotic from a mold species." Nakita kong lumingon sa akin si Lee matapos siyang magsalita na nagpapahiwatig na ako na ang magsasalita. "This brings us to the end of our presentation. Thank you for listening" nang matapos akong magsalita ay nagsipalakpakan ang aking mga kaklase. Lumapit naman si ma,am sa amin at nagsalita. "I have a question." Pagkasabi nya nito nakita kong umayos ng tayo si Lee na nakahanda nang sumagot na sya ko namang pagpigil sa aking pag ngiti. "How did Fleming discovered penicillin?" Handang nang sumagot si Lee nang ito ay humarap sa akin at naghihintay ng aking sagot. 'Tss.' "In 1928, Fleming started to research common staphylococcal bacteria. An uncovered Petri dish near an open window became contaminated with mold. Fleming realized that the bacteria near the mold were dying. He isolated the mold and identified it as Penicillium genus, which he found to be effective against all Gram-positive pathogens. Gram-positive pathogens cause diseases, such as diphtheria, gonorrhea, meningitis, pneumonia, and scarlet fever. Fleming discovered that it was not the mold itself but a “juice” it had produced that had destroyed the bacteria. He named this “mold juice” penicillin. And that's how he discovered the penicillin." Sagot ko dito na ikinangiti nito. "Okay very good. You may take your seats now." Pagkasabi na pagkasabi nito ay umupo na kami. Bago ako umupo nakita ko naman si Kai na nag thumbs up sa akin na sya ko namang nginitian. ***** "Woah ang galing nyo kanina,lalo na nung nasagot mo yung tanong ni ma,am. Pano mo yun nasagot Ren,kung ako yun hindi ko masasagot yun"tuloy tuloy na pagsasalita ni Kai na sya ko namang ikinangiti. "Sabihin nalang natin na expected na itanong yon sa amin,diba Lee?"lumingon ako dito na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa cellphone niya. "Hoi Lee,bakit?"pag aalalang tanong ni Kai dito na siyang ikinaharap nito sa amin. "May emergency sa bahay at kailangan ko nang umalis"pag papaalam nito sa amin na siya naman naming tinanguan bago siya tumakbo papuntang parking lot. "Ano kayang nangyari na dahilan para maging ganoon si Lee hano Ren"alalang tanong nito sa akin na sya ko namang ikinakibit balikat. Nandito kami ngayon sa locker dahil magpapalit kami para sa PE class. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero base sa reaksyon ni Lee mukhang mahalaga ito. Pagbukas ko ng locker ko tumambad sa akin ang hindi ko inaasahang makita. "Nakatanggap ka naman ng bulaklak"sabi ni Kai na ngayon ay nakasilip sa locker ko. Tama nakatanggap na naman ako at ito ay kagaya ng dati. "Puting rosas"bulalas ni Kai na ngayon ay seryoso na. Kinuha ito ni Kai at agad na itinapon sa basurahan na siya ko namang ikinabigla. "Bakit mo tinapon?" Takang tanong ko dito. "Ang mga bagay nayan dapat tinatapon. Ayokong nakikita ang bulaklak nayan,maganda siya dati pero ayoko na sa kanya ngayon tsaka itatapon mo din naman yan diba?"seryosong sabi nito na siya ko namang tinanguan. Totoo naman ang sinabi si Kai, itatapon ko din naman talaga ang rosas na yon dahil wala naman akong mapapala kung itatabi ko pa iyon. Simula nang maganap ang insidente nayon,ayaw na ni Kai na nakakakita ng puting rosas. Dahil simula nang mangyari yoon para sa kanya ang puting rosas ay sumisimbolo sa kamatayan. Na kahit ako ay pinaniniwalaan ito. Nagpalit na din ako nang damit at saka sinundan si Kai na nagtutungo papunta ngayon sa gym. Ano man ang dahilan kung bakit muli ako nakatanggap nito ay tiyak na hindi ito maganda. Na hindi ko hahayaang mangyari. Isa lang ang ayokong mangyari at yuon ay mapahamak ang taong mahalaga sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat huwag lang mangyari ang bagay na ito. Naiyukom ko na lang ang aking kamao habang iniisip ang bagay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD