Ren POV:
"Ren,hindi ka ba papasok?"tanong sa akin ni Kai na ngayon ay kababa lang.
Umiling ako rito dahilan para kumunot ang noo nito.
Hindi sa ayaw ko pumasok pero masama talaga ang pakiramdam ko.
Mayamaya pa ay lumapit sa akin si Kai at sinalat ang aking noo.
"Sabi na nga ba nilalagnat ka!"
Hindi na ako nagtaka nang malaman niya ito kaagad dahil hindi ako ang tipo ng tao na liliban sa klase ng walang dahilan.
"Hindi na rin ako papasok,sasamahan nalang kita rito." Wika nito na siyang ikanakunot ko ng noo.
"Tss. Gusto mo bang magalit ako sayo Kai?" Mahinang usal ko rito dahilan para mapakamot ito sa kanyang ulo.
"Hindi naman sa ganoon,ang sa akin lang sino ang mag-aalaga sayo? Higit sa lahat kung papasok ako hindi rin naman ako makakapag focus dahil sa pag-aalala sayo. Kaya hindi nalang ako papasok para mapanatag ang loob ko" pangangatwiran nito na siya ko namang ikanabuntong hininga.
"Alam kong nag-aalala ka pero ayokong ako ang maging dahilan para lumiban ka sa klase kaya naman pumasok ka na." Mahinang usal ko sa kaniya habang siya ay tinutulak palabas ng pinto.
Dahil sa ginawa ko ay wala na itong nagawa kung hindi pumasok.
Nang mapansin kong nakaalis na si Kai ay pumasok na ako sa aking kwarto at nahiga.
'Damn. Ang sakit ng ulo ko.'
*******
Nagising ako ng may maramdaman akong kamay na sumalat sa aking noo.
Kumunot ang aking noo nang makita ko si Lee sa tabi ko.
Nakaupo ito sa mini chair habang nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko rito.
Sasagot na sana ito nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kai. Napalingon ito sa akin na ngayon ay nakabungisngis.
'Tss. Hindi parin siya nagbabago.'
"Kai,hindi ba't napag-usapan na natin na papasok ka"mahinang usal ko rito na siyang ikinatango nito.
"Tss. Kung ganon bakit ka nandito?"
"Sabi mo pumasok ako at ginawa ko naman iyon. Pero wala naman akong pinangako na papasok ako maghapon" pangangatwiran nito habang nakabungisngis dahilan para ikabuntong hininga ko na lamang.
Kinuwento ni Kai na nagpaalam daw sila ni Lee na may emergency daw sa bahay kaya naman excuse parin sila ngayon.
'Tss. Ibang klase.'
"Nga pala Ren,tuloy ba tayo bukas?"tanong sa akin ni Kai na tinanguan ko naman.
Napansin ko naman si Lee na ngayon ay nagtataka. Sinenyasan naman ako ni Kai kung sasabihin niya ba kay Lee ang tungkol dito na siyang tinanguan ko na lang ulit.
"Nagpag-usapan kasi namin ni Ren na sa araw ng bukas ay maglilinis kami sa bahay ng auntie nya tuloy kukuhanin na niya yung ibang gamit na naiwan niya roon " pagpapaliwanag ni Kai kay Lee na siyang tinanguan nito.
Ilang saglit pa ay kumunot ang noo nito at nagsalita.
"Hindi ba't nilalagnat ka?"tanong sa akin ni Lee dahilan para mapangiti si Kai.
Ikinakunot naman ito lalo ni Lee nang mapansin ang pagngiti nito.
"Lee,chill ka lang. Huwag mo masyado inaalala yan dahil kinabukasan magaling na yan"taas noong sabi ni Kai na siyang ikinailing ko na lamang.
Lumingon ako kay Lee na ngayon ay bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Si Ren kasi ang tipo ng tao na kung lagnatin ay isang araw lang at kung sakali man na magtagal ang lagnat niya,madali nalang mag-adjust"dugtong pa nito na siyang ikinatango ni Lee.
"Sama ka ?" Tanong ko dito na sinang-ayunan naman ni Kai.
Napansin ko naman ang pagtango nito na siyang kinangiti namin.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas bumuti na ang aking pakiramdam ngayon kasya kanina.
'Tss. Parang gusto ko agad magbukas.'