MABILIS AKONG nakapagtago sa may likod ng malaking puno pero nakapagtataka dahil wala naman ni anino ng tao na dumating kaya napatayo ako upang magpatuloy sa paghahanap.
Natatandaan kong dito rin mismo sa puno na iyon ako nailigtas ni Kyru sa isang baboy ramo. Subalit tila naging mailap sa akin ang tadhana ngayon dahil ang hinahanap-hanap ko ay hindi ko makita.
Nagbalik-tanaw pa ako mula sa aking pinanggalingan at nagsimula muli akong maglakad hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na bato subalit hindi katulad ng dati na perpekto ang pagkakahugis parisukat nito at ang ipinagtataka ko pa ay wala sa ilalim nito ang gitara na ginagamit noon ni Kyru.
Wala ang ganda ng lugar na paborito namin tambayan noon.
Paano nangyari 'yon?
Iyon ba ay isa lamang bang panaginip?
O pinaglalaruan lang ako ng tadhana?
?
Di na mahanap ang kasagutan natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan ng mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo
Pero wala lang ano bang kaugnayan
Sino bang di mahihirapan
Pag-ibig na kay alap, wala kang katiyakan..
Teka muna, para bang akdang baybayin..
Teka muna, na 'di ko magawang basahin..
Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso,
Ito'y palaisipang misteryo..
Ilang hakbang pa bago pa ako tuluyang magising sa katotohanan. Dahil may isang magandang babae ang bumungad sa akin na sa tingin ko ay nangangalaga ng kalikasan at siya ay isang diwata.
"Ikinagagalak ko na makita kang muli, Fyane." Napaatras ako mula sa aking pagkakatayo. Hindi ko akalaing maririnig ko mismo sa kaniya ang aking pangalan. Pero paano niya ako nakilala? At kailan niya ako unang nakita? Wala akong matandaan.
"T-teka, s-sino ka? At a-anong kailangan mo sa akin?"
At napangiti siya saka nagsalitang muli, "Ako si Diwata Habili, ako ang nangangalaga nitong kagubatan, matagal na kitang nakikita na tumatambay dito at ikinagagalak ko ang muli kang makita. Dahil saksi ako sa pagmamahalan ninyong dalawa." Napaawang ang bibig ko sa mga huling salitang sinabi niya.
Kung ganoon ay totoo ang lahat ng nangyari sa amin ni Kyru?
"Teka, naguguluhan ako. Nasaan si Kyru?" walang pag-aalinlangan kong tanong. Agad na naman sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi habang mataman niya akong tinitingnan.
"Fyane, lingid pa ba sa iyong kaalaman na isang kaluluwa lamang si Kyru at nagkatawang-tao siya ng dalawang beses sa kaniyang una at huling kahilingan?"
"P-paano mo iyon nalaman?"
"Dahil saksi ako sa pagmamahalan ninyo at tanging ako, siya at ang Ama sa langit lang ang nakakaalam ng takbo ng buhay niya mula sa kabilang buhay, habang ikaw ang mapalad na minahal niya at dalhin sa mundo ng paraiso, paraiso na tanging kayo lang ang mapalad na nakakita maliban sa akin."
"A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan," napapailing na tugon ko.
"Fyane, makinig ka, maaaring totoo na nagmahalan kayo ni Kyru pero ang pagmamahalang iyon ay panandalian lamang at hindi na kailanma'y magiging makatotohanan pa sapagka't ang kaniyang kapalaran ay sumakabilang buhay na. Pero huwag mong isipin na hindi ka mahal ni Kyru, mahal na mahal ka niya kaya ginusto niya na lang na huwag kang makapiling kapalit ng buhay niya. Dahil kung mabubuhay siyang muli ay hindi ka na niya maaalala. Pero asahan mong kahit saan ka man magpunta ay parati ka niyang pinagmamasdan, gano'n ka niya kamahal." Sa sinabi niyang iyon ay napahagulgol ako sa pag-iyak. Dahil ang mga nalaman ko noon mula kay Kyru ay wala pa sa kalahati ng nalaman ko mula kay Diwata Habili. Ilang sandali pa ay muli na naman siyang magsalita, "Kailangan ko nang magpaalam, paalam, Fyane." Heto na naman tayo sa salitang pagpapaalam, ayaw ko talaga nang may umaalis, e.
Ang sakit-sakit lang isipin ang naging takbo ng kapalaran namin ni Kyru.
Buong akala ko ay totoo ang sinabi niyang hihintayin niya ako rito. Pero hindi pala. Dahil walang Kyru na naghihintay sa akin sa lugar na ito.
Wala ang magandang lugar na sabay naming tinatanaw noon. Dahil lahat pala ng iyon ay isang panandalian lamang-- na minsan ko lang napagmasdan.
?
Sino bang dapat sisihin
Marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
Di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan,
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang..
Teka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na 'di ko magawang basahin..
Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo ..
Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko
Gulung-gulo ang isip ko
Ito'y palaisipang misteryo..
Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo..
Pag-ibig ay sadyang
May nakakabit daw
Na palaisipang misteryo
Isang misteryo..
Saksi ang araw at ang buwan, maitatago ang kalungkutan at magdudulot ng kasiyahan. Ang malakas na hangin ang nagsisilbing pamahiin ko sa pagtitiwala sa pagmamahal niya. Ang bawat ngiti ko sa tuwing kasama siya ay walang kapantay. Ang kaniyang mga yakap at halik na kay sarap damhin. Subalit hindi pala lahat ng araw ay nagtatapos lang sa saya o kalungkutan. Dahil may mga mga bagay pala na hindi mo kaagad maiintindihan na ikaw din mismo ang makakatuklas.
May mga bagay na aasahan mong panghabang buhay, pero mas may sasakit pa ba kung unti-unti kang sinasampal ng katotohanan?
Agad na lumakas ang simoy ng hangin. "Pero asahan mong kahit saan ka man magpunta ay parati ka niyang pinagmamasdan, gano'n ka niya kamahal." Napapikit ako sa isiping iyon at inisip ko na lang na sa bawat pag-ihip ng hangin ay nasa bisig ako ni Kyru.
-
"Fyane! Fyane!" Napabalikwas ako sa pagbangon dulot nang pagsigaw ng pinsan kong si Fritzy. At sumilay sa akin ang mga nag-aalalang mukha nina Amang, Inang at Sir Rio.
"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanila habang napapatanong din ako aking isipan na, "Bakit nasa bahay na ako?"
"Nakita ka na lang namin sa may tapat ng bahay na walang malay. Saan ka nga ba nanggaling?" nagtatakang tanong ni Sir Rio.
"Paano kung may nangyaring masama sa'yo at sa dinadala mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Inang.
Paano nila nalaman ang tungkol sa aking pagbubuntis? At paano ako nakabalik dito?
Captured song: [Misteryo by: Sarah Geronimo]