"Are you familiar about William Henry Gates or we must known as Bill gates?” panimulang tanong ni prof. Em habang ipinapakita ang iba’t-ibang litrato na mula sa slide projector.
Umikot ang mata ni Prof. Em hanggang sa mapadako ang tingin kay Ki-el na animo’y may iniisip habang nakatingin sa labas. Tinawag niya ito bagamat walang anumang bakas ng kaba sa ekspresyon ng mukha nito bago sumagot.
“At the age of 31, he was a successful computer programmer in history and the youngest billionaire that considered as one of the richest men,” kampanteng sagot ni Ki-el at napangiti naman ang aming guro.
“That’s right. He’s a co-founder of Microsoft, the largest network of software. Now in the modern world, it totally help us in terms of progress and manage everything,” paliwanag ni Prof. Em.
Lahat kami ay tahimik lang na nakikinig sa kaniya.
Masungit man ay tiyak na maraming matutunan. Siya ang isa sa mga rason kung bakit napasok ang isip ko sa pag-aaral ng website. Marami pang mga bagay dito sa mundo ang hindi natin nalalaman at ‘yon ang gusto kong pag-aralan.
“I think you are already familiar about Mark Zuckerberg,” muli niyang pahayag.
“He’s a f*******: developer and known as the 4th richest man in the world. Imagine him at the age of 23, he was self-made billionaire,”
Maging ako ay napanganga. Kilala ko siya ngunit hindi ko akalaing gano’n kabatang edad siya nagsimulang mamayagpag sa larangan ng industriya.
Masyado nito nakuha ang aking atensiyon. Sa murang edad, paano kaya nila nagagawa ang mga bagay na ‘yon? Kinilala bilang mahusay na mangangatha.
“And lastly, Sean Rad. Do you familiar about him?” muling tanong ni Prof. Em sa amin. Ang lahat ay natahimik at tila iniisip ang taong ‘yon.
“He is one of the best creator in history. Do you know why?” nakangising niyang tanong. “Because of Tinder."
Lahat kami ay nagtawanan at lalong nagpalakas ng tawa ay mga inosente kong kaklase na tinatanong kung ano ‘yon. Maging si Prof. Em ay nawala na rin sa concentrate ng pagtuturo.
“As an IT student, you don’t need to be like how they think or their ability to create something different. You can develop yourself from failures until the bottom of success by your own strategy,” payo niya.
Ang lahat ay nagpalakpakan at isa na ako doon dahil sa paghanga. Lalo akong nagkakaroon ng lakas para ituloy ang pangarap kong sumisid sa mundo kung saan ay kinagagalawan nila.
“Ava, stand up,” bigla niyang tawag sa akin. Muli kong naagaw ang pansin ng mga nandito at tila hinihintay ang tanong ni Prof. Em.
“Do you know who’s the inventor of bulb?”
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. “T-thomas Edison Prof,” sagot ko. Sa unang pagkakataon ay mukhang napasaya ko siya sa klase.
“Correct. He’s a successful inventor. Maraming mga kinikilala sa iba’t-ibang larangan, bagamat hindi lahat ay kapareha ng kapalaran nila. Si Thomas Edison ay hindi kasing talino nina Bill Gates, Mark, at Sean ngunit ginamit ang talento sa ibang bagay. Hindi mo kailangan pilitin ang ‘yong sarili, piliin mo ay yung bagay na kahit mahirap ay sulit dahil masaya kang ginagawa ito.”
Pagkatapos niyang talakayin ang lahat, natapos na ang klase. Napansin kong hindi pala pumasok si Maine at si Ki-el naman ay parang malalim ang iniisip.
“Ki-el,” tawag ko sa kaniya.
Tumingin siya panandalian at kumuha ng papel, pagkatapos magsulat ay inabot niya sa akin. Binasa ko ang nakalagay. “If I were an inventor, I want to create a machine so I can go back the time passed by.”
Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sana nga ay may gano’ng makinaryang kayang balikan ang nakaraan. Siguro mga lugar na lang kung saan naganap ang masasayang alaala ang pwedeng puntahan, hindi naman na kasi lahat ay maibabalik lahat lalo na yung mg taong parte na lamang ng nakaraan.
Sabay kami ni Ki-el lumabas. Saktong may dala siyang sasakyan kaya’t hindi na rin ako tumanggi noong mag-alok siyang sabay na kami umuwi.
“Nagkausap na kayo?” ani ko habang nakatingin sa may bintana.
“Oo. I told her everything. She need some time to think. Kamamatay lang din ni Drake, alam kong sobra siyang nagluluksa sa mga nangyari,” malambing niyang tono.
Bigla kong naalala yung mga nangyari at tungkol sa lalaking nakatingin sa akin sa eskenita. Akala ko ay si Ki-el pero siguro ay kamukha lang niya
Hinatid niya ako sa bahay at hindi na rin nagtagal, ayaw ko magkaroon ng issue sa paningin nina yaya Medy. Pagkapasok sa loob, dumiretso na akong kwarto para magpalit.
Halos isang linggo na rin pa lang hindi nagpaparamdam si King. Masyado naman siyang abala, isang linggo na ang lumipas noong huli itong nagchat.
Nahiga na ako sa kama para mag-isip isip sa buhay ng biglang kumatok si Marie, ang anak ni yaya Medy. Binuksan ko ang pinto at tumambad ang hawak niyang bouquet of roses, may mga chocolate pang kasama, at isang box na binalutan ng pulang tela.
“Kanino ‘yan galing?” nag-aalangan kong tanong.
“May nagdeliver lang po, ate,”
Kinuha ko na ang mga ito at agad ibinaba sa kama. May isang maliit na letter ang nakatago sa rose, noong mabasa ko ay may nakasulat. “Happy Birthday, Ava.”
Bigla akong natigilan at sabay-sabay nagbagsakan ang mga luha ko. Mabuti pa ang ibang tao, naaalala ang kaarawan ko pero mismong ako ay nakalimot na.
Sa ayos pa lang ng sulat, napakalinis at ang ganda. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa ganitong paraan na kaniyang ginagawa?
Walang anumang pangalan ang nakasulat kung kanino ito galing. Nakatutuwa lamang na sulat-kamay ang ginawa sa card. Namataan ko ang isang maliit na box, pagbukas ko ay may nakalagay na kwintas.
Totoo ba ang diyamanteng nandito? Mukhang mamahalin. Sino naman ang magpapadala sa akin ng ganito?
Sinukat ko na at humarap sa salamin, napakaganda niya. Sayang lang at hindi nagpakilala, hindi ko man lang magawang pasalamatan siya.
Kinuhanan ko ito ng litrato at pinost sa dummy ko. May mga nagkometo at pumuso ngunit aaminin kong may isang tao akong hinihintay, si King.
Wala pa rin siya, nasabi ko pa naman sa kaniyang kaarawan ko ngayon. Wala si Papa at mukhang hindi niya alam na birthday ko ngayon kaya’t hindi na dapat pa akong umasang babati siya kahit sa huling segundo ng aking kaarawan.
11:35PM
Tulad ng inaasahan, wala pa rin si Papa. Simula noong umuwi ako, nagkulong na lang ako dito sa kwarto at umiiyak. Tanging ang kwintas lang naging kausap ko hanggang sa makatulog.
Nagising ako mula sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Pinunasan ko na muna ang aking mga luha bago buksan ang pinto. Pagkabukas, walang kahit anong tao akong nakita.
“Yaya Medy,” tawag ko ngunit wala naman sumasagot. Siguro ay bumaba at may nakalimutan tulad ng palagi niyang ginagawa. Sinarado ko na ulit ang pinto.
Hindi pa man ako nakakaupo ay muling may kumatok. Binuksan ko ang pinto ngunit tulad nang nauna, wala pa rin akong nakitang tao. Naisipan ko na lumabas para tignan sila yaya.
Tahimik lang ang kabuuan ng bahay, tanging yapak ng mga paa ko lang ang maririnig. Pagkababa ay namataan ko sila Maria, yaya Medy, at isa pa naming kasambahay na si Aisha na natutulog.
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Malakas ang pakiramdam kong may tao sa bahay. Ginigising ko sina yaya ngunit umuungol lang. Masyado mahimbing ang tulog nila kaya’t hinayaan ko na lamang.
Dahan-dahan akong umakyat. Hindi ako pwede maging duwag at baka masamang tao ang nandito. Tinignan kong muli ang paligid at kumuha pa akong pamalo kung sakaling may magnanakaw.
Nakarating na ako sa pinakaharap ng kwarto. Napapikit ako habang hawak ang doorknob at malakas itong hinatak papasok. Kinakabahan kong binuksan ang aking mga mata at doon ay lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ko.
May tatlong puting rosas ang nakapatong sa kama. Daha-dahan akong naglakad palapit at tinignan ‘yon, tila nawala ang takot kong nararamdaman sa hindi ko maapuhap ang dahilan.
Kung nandito ito ngayon, ibig sabihin ay mayroong pumasok dito sa loob. Tinignan ko ulit ang paligid at hinawi ang kurtina, doon ko nakitang may puwang sa bintana at hindi nakasara ng maayos.
Ang lakas ng loob niyang pumasok, sana lang ay hindi na niya ulitin pa sa susunod. Muli akong bumalik sa kama at may panibagong card siyang iniwan.
Binuksan ko para mabasa ang nakasulat.
“11.59PM” Ito ang nakasulat sa unang card na nakalagay sa puting rosas.
"I want to be the last person that will greet you happy birthday, Ava." pagbabasa ko naman sa ikalawa. Nanlalamig kong inabot ang huling card na nakalagay sa ikatlong puting rosas.
“Will you open your window?”
Masyado siyang misteryosong nilalang. Dapat ko ba siyang sundin? Naging magulo ang isip at puso ko ngunit mas nanaig ay ang desisyong sumilip sa bintana. Kung may plano man siyang saktan ako, kanina pa niya dapat ginawa dahil nagawa na niyang makapasok dito.
Pagkabukas ko, nagsunod-sunod ang putukan na nanggaling sa labas. Umiilaw ang kalangitan sa iba’t-ibang paputok. Tinignan ko ang paligid, hindi ko alam kung saan iyon nagmula.
Hindi ako mahilig sa mga romantikong gawain ngunit aaminin ko, malakas ang naging epekto nito sa kabog ng dibdib ko.
Habang pinagmamasdan ko, may isang maliit na helicopter ang lumapit. May nakaipit ditong sulat at nakatali sa telang pula, sa pagtataka ay inabot ko at agad binuksan.
“3..”
Muling may dumating na isa pang maliit na helicopter at tulad ng nauna, may dali ring sulat.
“2…”
Sa ikatlong pagkakataon, may panibagong dumating ulit at mukhang alam ko na ang nakasulat.
“1….”
Tuluyang kumabog ang puso ko sa sobrang kaba. Nagsitigilan ang mga paputok at muling nabalutan ng dilim ang paligid. Umalis na ang tatlong maliit na helicopter, sa dilim ng paligid ay hindi ko na nakita pa kung saan na ito mga napunta.
Ilang saglit pa, isang malakas na paputok ang lumabas. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sa gitna ng nagkikislapan ay nakasulat ang pangalan ko.
Napatakip na lamang ako ng mukha dahil sa mga luhang patuloy sa pagbagsak. Sa mga TV ko lang napapanood ang ganito, hindi ko akalaing may taong gagawa nito para sa akin.
Siguro nga ay naguguluhan ako sa ginagawa niya pero bakit ganito ang t***k ng puso ko, imbis na takot ay may gumuguhit ang saya sa mga labi ko.
“Salamat,”
Tangi kong nasabi habang hawak ang kwintas.