CHAPTER 6

1123 Words
  Pumasok ako ngunit tila ang isipan ko ay na sa kalawakan. Dumating na si Maine at si Ki-el ng sabay, agad naman sa akin yumakap si Maine noong makita ako. Maaliwalas na ang kaniyang mukha. Walang anumang bahid ng lungkot, gano’n din ang nakikita ko ngayon sa awra ni Ki-el. Nagsimula na ang klase pero parang ang bilis lang ng oras dahil buong araw akong hindi nakikinig sa discussion. “Ava, okay ka ang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Maine. Tapos na pala ang klase ngunit nakaupo pa rin ako hindi tulad noon, palaging nakikipag-unahang lumabas. Dahil hindi ako nakapagpigil, naikwento ko sa kaniya ang nangyari. “Creepy! Dapat magpalagay na ng CCTV sa bahay niyo. Paano kung may gawin siyang masama sa’yo? Palagi ka pa naman mag-isa,” nanggagalaiting bubod ni Maine. “Kung may balak siyang saktan ako, bakit hindi niya ginawa? Hindi ko alam pero ang saya sa pakiramdam,” “Are you serious?” hindi makapaniwala niyang sabi at nanlalaki pa ang mga mata. “Atsaka kung may masama siyang balak, bakit hindi siya magpakita?” Nawalan na ng timpi sa sarili si Maine dahil sa mga isinasagot ko. Si Ki-el naman ay kanina pa walang kibo, mukhang may iba rin siyang iniisip. Nagpaalam na muna siya para bumili ng makakain at naiwan na lang kami ni Maine. “By the way, okay na kayo?” pag-iiba ko ng tanong. Bumuntong hininga siya. “Oo, nasabi na sa akin ni Ki-el na naikwento na niya sa’yo.”            Pumitas ako ng isang bulaklak na nakatanim malapit sa amin at pinaglaruan ang mga petals nito. “He’s not a typical guy but I am sure, he’s better than Drake.” Hinablot niya ang hawak kong bulaklak at siya naman ang naglaro nito. “Dalawa lang naman ang choices Ava, mahal mo o mahal ka?” Sa tanong niya na ‘yon, alam kong pinili niya ay ang taong kaniyang mahal kaysa sa taong nagmamahal sa kaniya. Bakit? Hindi ba’t dapat mas piliin natin yung taong mahal tayo dahil doon, siguradong hindi tayo masasaktan. “Dati, sigurado ako. Ang dapat piliin ay yung nagmamahal sa atin ngunit hindi pala, mahirap magmahal ulit habang hindi pa tayo tapos magmahal sa iba. Sa oras na piliin mo ang taong mahal ka, parang sinaktan mo lang din siya at pinaniwala sa isang kasinungalingan.” Ramdam ko ang emosyon sa bawat salitang kaniyang ibinibigkas. Ganito ba talaga ang pagmamahal, palaging may sugal at kadalasan ay may kailangan pang masaktan. “Hindi naman lahat ng mahal natin ay kaya tayong mahalin pabalik. Si Ki-el yung taong hindi ako iniwan ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa, hindi ko pwede siyang gawing gamot na magpapahilom sa sugat ko dahil sa oras na gawin ko ‘yon, siya ang masasaktan,” malungkot nitong tono. “So, anong balak mo?” Ibininalik niya sa akin ang bulaklak. “Nothing. Wala naman nang magbabago pa. Sa ngayon ay magkaibigan na lang kami tulad noon. Nagkausap na rin kami, siguro tadhana na ang gumawa ng paraan para magbagong buhay ako,” ani pa niya at niyakap ko.  “Thank you, Ava." Inalis ko ang pagkakayakap niya at tumingin sa kaniya. “Nagpapaalam ka ba?” kunot-noo kong tanong. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya at muling humarap sa mga naglalarong bata rito sa plaza. “Kukuhanin na ako ni mommy sa Singapore, doon na ako magtatapos. Mas okay na rin ‘yon, gusto kong makalimot at iwan ang lahat ng masasakit na alaala rito sa Pilipinas.” Niyakap ko siya ng mahigpit at doon nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko. “Ang daya mo naman e, mami-miss kita. Sabi ko naman sa’yo, kung saan ka masaya ay doon ako,” sambit ko. “Kaya ayaw ko sa’yong sabihin dahil iiyak ka. Basta palagi akong nandito para sa’yo. Maraming salamat sa lahat, mamimiss din kita,” tugon niya. “Huwag ka na kayang umalis,” biro ko sa kaniya habang nagpupunas ng luha. “Babalik naman ako, promise,” pangako niya. Dumating si Ki-el na may dalang supot ng pagkain. Siguro ay alam na rin niya ang ginawang desisyon ni Maine. Masaya ako para sa’king kaibigan pero hindi ko akalaing darating ang araw na kailangan na naming masanay ng wala sa tabi ang isa’t-isa. Sa loob ng limang taon, siya lang ang naging karamay ko. Wala na yung tawa, mapang-asar, at higit sa lahat ay yung kakampi ko sa lahat ng bagay.   UMUWI ako ng matamlay. Hindi na ako kumain pa ng dinner dahil sa paalam ni Maine. Masyadong biglaan, hindi niya sa akin agad sinabi dahil ayaw niyang masira ang bawat araw habang magkasama kami. Binuksan ko na yung laptop at doon ay may sunod-sunod ang nagpasukang mensahe mula sa taong hinihintay ko, si King. “Nakalimutan mo na ang kaarawan ko,” nagtatampo kong reply sa kaniya. “Did I? I think no,” sagot nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi kaya siya yung lalaking pumasok sa kwarto ko at siya ang gumawa ng mga paputok mula sa labas? “Ikaw ba yung pumasok sa kwarto ko at nag-iwan ng bulaklak?” kinakabahan kong tanong. “I hope you like it. Sorry kung tinakot kita,” ani niya. Naestatwa ako sa upuan. Ilang minutong hindi kumilos ang isip ko sa pag-amin niya. King is calling… Tila gusto na kumawala ng puso ko sa sobrang kabog ng dibdib ko sa kaba. Nanginginig kong sinagot ang tawag niya. Ilang minuto ang lumipas, walang kahit isa sa amin ang nagsasalita. “Hi,” malamig niyang tono na lalong nagpatindig ng balahibo ko. Bakit boses pa lang, ang gwapo na? Iba ang nagging dating sa akin sa isang salitang ibinigkas niya. “H-Hi...” balik kong bati sa kaniya. “Sorry kung tinakot kita,” hinging paumanhin niya.  “S-Salamat sa ginawa mo. Bakit hindi ka nagpakita?”  “Nahihiya kasi ako sa’yo, ang ganda mo pa naman.” “Bolero haha…" “May gagawin ka ba bukas?" tanong nito.  “Ahm... wala naman... bakit?” “Can we meet?" “S-Saan?”  “Sa San Isidro park." “S-Sige,” pagpayag ko.  Natapos ang pag-uusap namin at agad siyang nag-out. Mukhang hindi ako makakatulog nito sa sobrang pag-iisip ng mangyayari bukas. Patuloy sa pag-ikot ang orasan at sumikat na ang araw samantalang ako ay wala pa ring naitutulog. May kaba at pagka-excite akong nararamdaman. Hindi ko alam kung anong dapat gawin at suotin, ito ang unang beses akong makikipagkita sa taong nakilala ko lamang sa social media.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD