CHAPTER 11

2029 Words
  "Are you drunk?” animo’y namamanghang tanong sa akin ni Gabriel dahil naubos ko ang ilang pitsel niyang tubig. “Kulang pa sa’kin. Tagayan mo pa ako!” utos ko sa kaniya. “Is there a problem?” biglang seryoso ni Gabriel. “No. I don’t have.” Hindi ko na rin napigilan pa ang sunod-sunod na luha sa mga mata ko. “My mom was left me and my father? He just treat me like a big mess in his life.” “Nah. You’re still lucky,” sambit niya at tumingin sa akin. “Because if you were in my situation, I am sure that you will rather choose to die than to live in a burden place,” Napatingin ako sa kaniya. Napansin kong wala nga siyang kasama dito sa bahay, kahit kasambahay ay wala. “You still have no idea about me, Ava.” Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Mas mabuti sigurong hindi ko na lang siya tanungin sa bagay na ‘yon. Kinuha ko na yung baso at itinaas. “Cheers.” Itinaas din niya ang hawak na shot glass at sabay naming nilagok ang bawat patak ng laman ng baso. “Ano nga pala ang hobby mo?” pag-iiba ko ng topic. “I love playing instrument like guitar and flute. How about you?” balik niya sa akin ng tanong. “Piano,” sagot ko. “Woah!” namamangha niyang wika. “Natuto ako sa isang charity. Tinuturuan nila kami sa pagtugtog,” paliwanag ko.   MARAMI nang naiinom si Gabriel ngunit parang hindi nalalasing. Noong guminhawa ang pakiramdam ko, naisipan ko na ring umuwi. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako kay Gabriel ngunit masyado siyang mapilit kaya wala rin akong nagawa. Hindi ko alam kung nasaan kami, ang sabi ni Gabriel ay isang oras halos ang biyahe kaya’t matulog muna ako. Ilang sandali pa, may kung ano akong naamoy at nakaramdam ng matinding antok. Naalimpungatan ako sa pagkalabit sa akin ni Gabriel. “We’re here.” Tinignan ko ang paligid at nandito na kami sa harap ng bahay. “Salamat,” aniko bago buksan ang pinto. “Wait.” Napaharap ako sa kaniya at nag-abot ito ng kape. “I think nahilo ka sa byahe, drink this.” Inabot ko na at muling nagpasalamat. Hindi na rin siya bumaba dahil may mahalaga raw siyang pupuntahan. Pumasok na ako ng bahay at sumalubong naman ay si Yaya Medy. “Ava, saan ka galing at hindi ka umuwi?” nag-aalala niyang tanong noong sa akin. Ngumiti na lang ako bago dumaretso ng kuwarto. Nasisira ang araw ko dito sa bahay. Wala naman sila sa aking pake kaya para saan pa ang pagtatanong? Kinuha ko na yung laptop para tignan kung may anumang mensahe akong natanggap kay Damon. May sunod-sunod na mensaheng mula sa kaniya ngunit ngayong umaga ay wala akong nakuha kahit isa. Nagtipa na ako ng reply bago tuluyang mag-out. Iniisip ko si Gabriel, hindi ko na namamalayang gumuguhit ang ngiti sa mga labi ko. Maine is calling... Nag-vibrate ang phone ko at tumambad ang pangalan ng aking kaibigan. Agad kong sinagot iyon at halos masira ang bunbunan ko sa lakas ng boses niya. “Hoy, Ava, saan ka natulog ha?”  “Hey, calm down.” “Why are you smiling huh?”  “Nothing,” tanggi ko. “Really?”  “I just met a guy, he saved me.” “He save you again? Is it superman?”  “Actually, he’s another guy.” “I don’t think so. Then, what happened next?”  “I woke up to his house.” “Shocks! Do you slept with him?”  “No. Ofcourse not!” mariin kong tanggi. “Then?”  “Nothing. Don’t be so stupid, Maine.” “Haha… whatever Ms. Virgin.”  “Whatever.” “I have to go. Bye!”  “Bye!” Gano’n lang kami kabilis mag-usap pero napapatawa niya ako. 12pm pa lamang at pwede pa akong humabol sa klase ngunit mas gusto ko pa magpahinga kaysa pumasok. Muli akong humarap sa laptop at nakita kong online si Damon. “Hi,” bati ko sa kaniya ngunit wala naman itong kahit anong response. “Sorry,” dagdag ko pa. Doon ay sineen niya ako. “That’s fine. By the way, itatanong ko lang sana kung may gagawin ka bukas?” tanong niya. Bigla kong naalala na inaya ako ni Gabriel. “Inaaya ako ng kaibigan kong pumunta sa parent niya,” sagot ko. “Ahh okay.” “Bakit mo naitanong?” Ako naman ang nagtanong. Sineen niya pero likas na talaga ata ang kabagalan niyang mag-reply. “Wala naman : )” May kumakatok sa labas kaya hindi ko na naipagpatuloy pa ang pag-uusap namin ni Damon. Binuksan ko na ang pinto, si Aisha. “Ate Ava, mayroon pong iniwang bilin si Mayor bago umalis kanina. Ipinapasabi niyang mamaya pong 7PM ay kailangan mo pumunta sa plasa ng bayan sa San Diego,” May inabot siyang isang malaking box. Kinuha ko na iyon at sinarado ang pinto. Pagbukas ko ng box, tumambad ang isang long-fitted gown. Ano naman kayang mayroon doon at pinapapunta ako ng aking ama? Hinalungkat ko pa ang box na may kasamang isang pares na high heels na may taas na 3 inches. Alas-singko pa lamang kaya’t may oras pa ako para maghanda. Naligo na ako at nagpatuyo ng buhok. Mayroon naman akong mga make-up. Ano kayang mayroon? Ngayon lang ako pinapapunta sa ganitong event. Kung simple lang, bakit ko kailangan magsuot ng ganito? 6:25PM ang tingin ko sa oras. Nagsimula na akong mag-ayos, konting make-up lang nilagay ko dahil  sa katotohanang nagtitipid ako. Pumasok si Aisha sa kwarto at pailing-iling akong tinignan. Kinuha na niya ang make-up kit at siya ang nag-ayos sa akin. Ang buhok ko ay pinaikot niya at mas kinapalan ang nakalagay sa mata. Nang matapos siya, tumingin ako sa side mirror at napanganga. May natatagong talento rin pala itong si Aisha. Saktong may bumusinang sasakyan na galing sa labas, siguro’y iyon na ang sundo ko. Lumabas na ako at agad sumakay. Pagdating namin sa bayan ng San Diego, sobrang laki ng gaganapan ng event at ang lahat ay mga nakapustura. May isang lalaki na nagbukas ng pinto para sa akin. Tila nakuha ko ang atensiyon ng mga nandito. Nahihiya ako sa mga tingin nila, alam kong kilala na nila ako dahil sa pagkupkop ng aking ama na isang Mayor. Umikot ako sa lugar at doon ay nagtama ang aming mata ng hinahanap ko. Iniwan niya ang kaniyang mga kausap na nakatingin sa akin at masaya niya akong sinalubong. Sumama akong lumapit sa isang table at halatang mayayaman ang lahat ng nandito. Lahat sila ay mga naka-mask kung kaya’t hindi ko mamumukhaan ang lahat ng nandito. “Is it Ava?” masayang saad ng babaeng nakapostura at mukhang na sa edad na kwarenta. “Yes. My adopted child,” sagot naman ng aking ama na siyang nagpadurog ng husto sa puso ko. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Lumapit si Mayor Salvador at kasama nila si Akira na naka-fitted long gown din ang suot na kulay puti. Napatingin ako ngayon sa suot ko, walang-wala sa katawan niya. Umupo sila sa table namin at tulad ng inaasahan, kagalingan na naman nila ang pag-uusapan. “Yes. Akira is very smart person. Sinabi ko nga sa kaniyang mag-aral na lang sa States para magtapos ng college,” masayang pagmamalaki ni Mayor Salvador sa anak. Natuwa naman ang mga kausap. Nagpaalam na ako sa kanila para sana kumuha ng tubig. Noong pabalik na ako, may dalawang lalaking aligaga at mukhang hindi mapakali. “Saan tayo ngayon kukuha ng tutugtog? Lagot tayo nito,” naririnig kong usapan nila. Lumapit ako para sana tanungin kung anong problema. “May problema ba?” Nagkamot naman sa ulo ang isang lalaki. “Opo, Ma’am, e, hindi po kasi pumunta ang inimbitahang tutugtog ngayong gabi at wala po kaming reserbang tao na pwedeng pumalit,” Narinig ko pa ang sabi ng isang lalaki na malalagot sila nito. Patalikod na sana ako para bumalik sa table ngunit nakokonsensiya naman ako kung pababayaan lang sila. Napapikit akong humarap sa kanila. “May available kayong piano?” tanong ko at parang nagkislapan ang kanilang mga mata. Noong malamang ako na lang ay halos patakbo silang umalis para maghanap. Sandali lang ay bumalik sila, sakto namang katatapos lang ng sayawan kung kaya’t ang lahat ay bumalik na sa kani-kanilang mga upuan. Nagsimula na nilang patayin ang mga ilaw at inayos na ang stage at nilagay ang piano. Huminga ako ng malalim bago umakyat at umupo. Muling bumukas ang ilaw at sa akin lang nakatapat kaya’t ang lahat ng atensiyon ay sa akin natuon. Una kong tinipa ang isang piyesa ng piano at inayos ang mikropono.   Come up to meet you, tell you I’m sorry. You don’t know how lovely you are  I had to find you, tell you I need you.   Unang sambit ko pa lang sa pinakaunang linya ng kanta habang sinasabayan ang tugtog ng piano ay nagpalakpakan ang lahat. Ang kantang ito ay pinamagatang “Scientist” by coldplay.   Tell you I set you apart Tell me your secrets and ask me your questions Oh, let’s go back to the start   Itnuloy ko ang pagtugtog hanggang matapos ang isang buong kanta. Bumukas ang ilaw at lalong lumakas ang palakpakan nila. Yumuko ako bilang galang bago bumaba at bumalik sa lamesa. “Hindi mo naman sinabi, Mayor Callegos, talented din pala si Ava,” masayang bati ng lalaking mukhang kasing-edad lang ng aking ama. Ngumiti sa kanila ang aking ama. Alam ko naman na wala siyang alam tungkol sa akin, hindi ko rin alam kung natuwa siya o mas nahiya sa ginawa ko. Tahimik lang akong nakikinig sa mga business nilang pinag-uusapan. May lalaking pumunta sa harap at kinuha ang atensiyon ng lahat. “Let’s partyyyyy!” masayang sambit nito at nagtugtugan na. Karamihan ay sumayaw at tanging ako na lang naiwan dahil walang kapartner, at ang mga kasama ko ay lumabas, tila may mahalagang pag-uusapan. Naiwan akong tulala hanggang sa may isang lalaking naka-mask din na naglahad ng palad. “Will you be my partner tonight?” Napatingin ako sa kaniya at gano’n na lamang ang gulat ko noong titigan siya at nagbigay ng kakaibang pakiramdam. Pamilyar sa akin, mukhang nakita ko na siya ngunit hindi ko maalala kung saan. Maging ang boses niya, parang narinig ko na. Bumalik na sila Papa at noong makita ang lalaking na sa harap ko ay tila maaaamong mga mukha na yumuko sa kaniya. “Goodevening, Mr. Callegos. Finally, I am glad to met your daughter,” seryoso ngunit masayang bati ng lalaki. Napatingin naman ang aking ama sa mga kasama. “Y-Yeah. By the way, she’s Ava,” pakilala sa akin. Tinignan ako ng aking ama na parang inuutusang pumayag sa kagustuhan ng lalaking ito dahil nakalahad pa rin ang palad niya. Inabot ko na at sumama sa harap para magsayaw. Napalitan ng isang romantiko ang kanta kung kaya’t ang aking kamay ay pinatong niya sa kaniyang balikat at ang kamay naman nito ay inilagay niya sa aking beywang. Habang nagsasayaw, hindi pa rin mawala ang paningin ko sa kaniyang mga mata. “Why are you looking at me like that?” tanong niya. “Did we met before?” Binitawan niya ako at pinaikot patalikod sa kaniyang mga braso. Habang patuloy ang musika, nagbibigay ito ng matinding tensyon sa akin. “I don’t think so,” bulong nito at muli akong kinawala bago hapitin ang beywang ko palapit sa kaniya. “What’s your name?” puno ng kuryosidad kong tanong. “Azrael,”  tipid nitong sagot. “Nice to meet you, Ava.” Binitawan na niya ako at umalis. Iniwan lang naman niya akong tulala, siguro nga ay hindi siya interisadong makasayaw ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD