Ilang araw na ang lumipas ngunit walang kahit anong reply si Damon sa mga chat ko. Si Ki-el ay nagbabasa lang ng libro at ako itong tulala lang sa kawalan.
Nami-miss ko ang ingay ni Maine. Simula noong umalis siya, bihira na lang kaming mag-usap, dahil magkaiba ang oras dito at sa kanila.
Akmang papatayin ko na yung laptop ng biglang nagpop-up ang notification. Isang mensahe na nagmula sa pangalang “Mortem”
“We found you,” tila nakakakilabot nitong sabi sabay kislap ng screen. Naalala ko ang nangyari noong gabi kung saan ay napanood ko ang mga nangyayari sa isang kwarto.
Agad kong sinara ang laptop sa labis na kabog ng dibdib ko. Napatingin si Ki-el sa direksyon ko.
“Anong nangyari?” alangan niyang tanong.
Umiling ako ngunit hindi siya nakuntento sa sagot ko at kinuha ang laptop. Wala na akong nagawa pa dahil hawak na niya at muli akong naupo habang sapo ang ulo.
Habang kinakalikot ni Ki-el ang laptop ko ay walang anumang reaksyon sa mukha niya. Napaangat ako ng ulo at nagulat ako noong tawagan niya ang Mortem na nagchat sa akin.
Nanlalamig kong kinuha ang laptop ngunit masyadong malakas si Ki-el.
Ilang saglit, sinagot ni Mortem ang tawag ngunit naka-off lang ang cam niya. May sinabi itong kakaibang salita at hindi ko maintindihan bago patayin.
Ibinalik sa akin ni Ki-el ang laptop. “I-block mo siya. Nababaliw na,” wala pa rin emosyon niyang sambit. Siguro ay hindi rin niya naiintindihan ang pinagsasabi no’n.
Sinunod ko siya. Binlock ko yung pangalang Mortem at muling tumunog ang bell na kailangan nang bumalik sa klase. Tulala lang ako at walang kahit anong lesson ang pumapasok sa isip ko.
Ilang oras ang lumipas at uwian na. Nag-alok si Ki-el na ihahatid na ako sa bahay, maulan na rin at walang masasakyan ngunit may tumawag sa kaniya at kailangan na umalis.
Ayaw man akong iwan ni Ki-el ay wala siyang magagawa dahil mukhang mahalaga. Sinabi ko na lamang na papasundo ako kila Yaya Medy at sa harap niya ay tinawagan ko para makumbinsi siya.
Pagkaalis ni Ki-el ay naupo ako sa isang malapit na bench habang naghihintay. Lalong lumalakas ang ulan, si Yaya Medy ay tumawag sa akin na hindi ako mapupuntahan dahil may bisita si Papa sa bahay at mahigpit ang bilin na bawal silang umalis ng hindi nagpapaalam.
Hindi ko alam kung tulo ba ng ulan ang na sa mukha ko o mga luha. Unti-unting nawawalan na ng tao dito hanggang sa ako na lang ang natirang estudyante. Hindi ako makakauwi kung dito lang ako.
Napaangat ako ng ulo sa isang batang gumagapang sa sahig at may hawak na sako. Basang-basa siya at tila nanlalamig na. Tinignan ko ang paligid ngunit wala sa kaniyang pumapansin.
Agad kong hinubad ang suot kong jacket at kahit malakas ang ulan ay tinakbo ko siya. Pagkalapit ay agad ko isinuot ito sa kaniya at dinala sa bench.
Kapwa kami basang-basa. Tinignan ko siya na yakap-yakap ang jacket ko at nangingilid ang mga luha sa sobrang lamig na nararamdaman niya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, agad ko siyang niyakap para mapawi ang takot niyang nararamdaman. “Huwag kang iiyak. Nandito lang ako, ligtas ka na,” bulong ko sa kaniya.
Kumawala siya sa yakap ko at tinignan ako sa mga mata. “M-Maraming salamat, Ate.”
Akmang aalisin na niya yung jacket ngunit tumanggi ako kahit nanlalamig na rin ang pakiramdam ko. Naalala kong may pagkain pa sa bag ko, inabot ko sa kaniya at dali-dali naman niyang kinuha.
Alam ko ang pakiramdam na lumaki sa lansangan. Bakit kaya may mga taong nag-aanak tapos ipapamigay o pababayaan lang ang anak? Bakit kailangan nila iparanas sa amin ang kalupitan ng mundo? Bakit pa binuhay kung papatayin lang din naman sa maling sistema?
Maggagabi na noong tumila ang ulan. May dumating na dalawang bata at inalalayan siya.
“Ate, salamat po ulit,” ani ng bata.
“Teka, ano nga pala pangalan mo?”
Ngumiti siya bago tumugon.
“Dagon,” sagot niya bago sila tuluyang umalis.
Hindi ko napansin ang oras. Nagsimula na rin akong maglakad sa ibang direksyon para maghanap ng masasakyan. Kung kanina ay patila na ang ulan ngunit ngayon ay muli na namang bumagsak.
Yung jacket ko ay ibinigay ko na sa batang si Dagon kung kaya’t ako ngayon ang nilalamig.
Ang bawat hakbang ko ay masyado na mabigat, nagdidilim na rin ang paningin ko at ramdam ko ang pag-init ng katawan. Nagtuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang matunton ang sitio eskinita kung saan naganap ang nangyari kila Vincent.
Papaatras ang paa ko at parang gusto na tumakbo. Ayaw ko na alalahanin ang mga nangyayari, natatakot akong isipin ang itsura nilang mga duguan.
Tumakbo na ako at ilang sandali, nagtuloy ang pagdilim ng aking paningin. Pinipilit ko pa ring gumapang ngunit wala na akong lakas pa hanggang sa mapapikit na lang at tuluyang mawalan ng malay.
NAGISING ako sa isang kwarto. Pilit kong inaaninaw ang lalaking nakatalikod habang pinagmamasdan niya ang na sa labas ng bintana. Noong maramdaman nitong nagising ako, humarap siya at doon ay napapikit ako.
He’s topless.
Shit! bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kaniyang katawan. He’s wearing white jagger pants and... half mask?
Napakunot ang noo ko noong mapunta ang direksyon ng aking mata sa kaniyang mukha.
Ibinaba niya ang hawak na baso at marahang lumapit.
“Good morning,” bati niya.
Naka-mask man siya ay nakakatulala pa rin ang kaniyang matang kulay asul. Ang puso ko ay parang gusto nang kumiwala sa dibdib ko sa labis na kaba habang lumalapit siya.
Amoy ko ang kakaiba niyang pabango na nakaka-adik talaga o mas okay sabihing nakakahumaling ang kakaiba niyang karisma. His blue eyes and his adam's apple makes me the sensual attraction.
Mas lumapit pa siya at doon ay napapaatras na ako sa higaan. Noong nakasandal na ako sa dingding ay napangiti naman ang lalaki halos ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin.
“Are you scared of me?” malamig niyang tono. Hindi ako agad nakasagot kung kaya’t muli siyang tumayo at akmang lalabas. Nakaramdam ako ng konsensiya.
Ang huling ko alaala ay nawalan akong malay at ngayong nagising ako, siguro siya ang tumulong sa akin. Dahil lang may suot siyang mask, iniisip niyang natatakot ako.
“S-Sandali,” saad ko na nagpatigil sa kaniya.
“H-Hindi ako natatakot sa’yo. Nahihiya lang ako dahil w-wala kang damit,” alangan kong sagot. Humarap siya sa akin at hindi ko man nakikita ang mukha niya ay ramdam ko ang pagngisi nito.
“Are you damn so attractive to my body?” nang-aakit nitong wika.
“O-Of course not!”
Tumawa siya na nagpadagdag sa pula ng mukha ko. Mukha siyang sanay na sa mga babae kaya siguro ganito na lamang niya ako ituring.
“Okay. I’ll gonna wear my shirt. Just wait me,” paalam nito bago tuluyang lumabas. Napanga-nga na lang ako at kulang na lang ay himatayin dahil sa pagtingin niya.
Hindi nagtagal ay kumatok siya sa kuwarto. “Let’s eat,” aya niya at nagpasok ng tray. Nakakahiya naman, siya na ang tumulong sa akin tapos siya rin ang naghanda ng mga pagkain.
“O-Okay lang ako…” hindi na niya ako pinatapos pa ng sasabihin.
“No, I insist.”
Kumuha na siya ng isang plate at nilagyan ng kanin. Akala ko ay para sa kaniya ngunit para pala sa akin. Gwapo na, gentleman pa.
Habang kumakain, napapatingin ako sa suot niyang mask. Nakakahiya man ay hindi ako mapakaling hindi sa kaniya itanong.
“B-Bakit ka naka-mask?” tanong ko.
“I got wound,” walang gana niyang sagot.
Hindi na ako kumibo pa. Matapos kumain ay tutulungan ko na sana siyang maglipit ngunit tumanggi ito. Bumalik na lang ako sa kama para magligpit.
Naalala kong hindi pala alam nila Yaya Medy kung nasaan ako. Hinanap ko yung dala kong bag ngunit wala. Lalabas na sana ako para itanong kay… ano nga ba ang pangalan no’n?
Nakakamangha ang bahay niya. Grabe ang laki at ang dekorasyon nito ay talagang gawa sa mga mamahaling mga antique.
Sa laki ng bahay, ang dami ring mga hallway at hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon.
“Hey, are you lost?” boses mula sa likod ko.
Napaigtad ako sa pagharap sa kaniya. “S-Sorry, hinahanap kasi kita,” sambit ko at yumuko. Inangat niya ang ulo at sinalubong ang malikot kong mga mata at hinarangan ang magkabila kong gilid ng kaniyang mga braso sabay bulong sa akin.
“You don’t need to find me. Just call my name and I’ll be there.” Nakatitindig balahibo nitong sambit at inalis ang nakaharang nitong braso.
Ang lakas ng karisma niya. Bakit ganito siyang magsalita? Hindi ako makakibo at tanging paglunok na lang ang nagagawa ko.
“H-How could I call you if I don’t even know your name?” alanganin kong tanong. Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi man lang bumaling ang tingin sa akin.
“Gabriel,” maiksi niyang tugon.
Ang gwapo rin ang pangalan lalo na noong tinawag niya ang sariling pangalan. May accent at ang sarap ulit-uliting pakinggan.
Hinabol ko na siya at baka maligaw ako ulit.
“Hoy! Hindi mo man lang ba tatanungin ang pangalan ko?”
Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ko hanggang makarating kami sa kusina. Kung ano ang ikinaganda ng bahay niya, kabaligtaran ng kusina.
Ang ganda lahat ng kasangkapan ngunit wala namang stock na kahit anong pagkain. Sa ref ay puro tubig at can bear. Paano siya nabubuhay ng ganito?
“Don’t judge my kitchen, Ava.”
Tinawag niya ang pangalan ko?
“I saw your ID. Don’t think that I am your stupid stalker.” Mukhang nababasa niya ang na sa isip ko.
May kinuha siyang remote at halos mapabagsak ako sa upuan dahil sa paggalaw nito. Bumukas ang lamesa at halos lumuwa ang aking mga mata sa nandito, may hagdan at akala ko ay isang mall sa daming mga pagkaing pagpipilian. Napatingin ako sa kaniya, na diretso lang ang tingin sa akin.
“You can stay here whenever you want,” dagdag niya at kumuha ng isang chips sa kaniyang mini mall groceries. Naalala ko bigla yung bag ko.
“Ahm, Gabriel, yung mga gamit ko?”
Hindi siya sumagot. Umalis na lang bigla at bumalik na hawak na nito ang bag ko. Agad kong kinuha at yung phone ko, pagkabukas ay walang anumang mensahe mula sa bahay akong natanggap.
“Here,” sambit niya sabay abot ng basong may alak. Tumanggi ako dahil ayaw kong uminom ng alak at hindi ko pa nararanasan.
“Seriously?” natatawa niyang sabi dahil hindi makapaniwalang hindi pa ako nakakainom.
“You are totally different. Now I know why they like you,” bulong niya na may katamtamang lakas. Magkatulad sila ni Ki-el, mahilig kausapin ang sarili.
“Will you please loud your voice because I can’t hear you,” mataray kong sambit.
“haha… I can’t believe na may babae pa palang katulad mo,” pailing-iling nito sagot.
Kumuha na lang akong tubig sa ref niya at iyon ang tinungga. “Tara, maglasing tayo,” hamon ko.
“Don’t drink too much,” sarcastic nitong sabi at doon ay napatawa ako. Sino nga ba naman ang malalasing sa tubig? Kakaiba rin talaga ako mag-isip kung minsan.