Ki-el POV
“Kumusta siya?” tanong ni Kuya Azrael pagkapasok ko ng bahay. Lumapit ako para kuhanin ang isang baso at lagyan ng alak. Pinuno ko na muna bago lagukin at walang itinira kahit isang patak nito.
“They found her,”
Sa sinagot kong iyon ay nagpawala ng konsentrasyon sa aking kapatid.
“s**t!” bulong nito at kinuha ang bote ng alak para tunggain ang bawat butil nito.
Pagkatapos ay kinuha nito ang phone bago umalis. Naiwan ako rito habang sapo sa ulo. Hindi ko na alam kung paano pa poprotektahan si Ava kung nakapasok na siya ng monstrous site.
Isa ako sa bumubuo at itinalagang superior of black monstrous at si Kuya Azrael na aking kapatid. Mataas ang katungkulan ni kuya at tulad ko, magkaiba man ng layunin ay mayroon din siyang kinatatakutan.
Pumunta na akong room para mag-open ng computer. Patuloy ang pagpasok ng pera ngunit wala na akong maramdaman pang saya. Aaminin ko, pumasok akong Santo Domingo para kay Maine at sa hindi inaasahang pagkakataon, ang landas namin ni Ava ay nagtagpo.
Wala na akong balak pa makisangkot ngunit noong pumasok ako sa kwarto ni Kuya Azrael, nandito ang mga litrato ni Ava at talagang nakakuha sa atensiyon ko.
Sa araw na iyon, nagbago ang lahat.
Ang misyon ko ay ingatan si Ava, siya ang anak ni Mayor Rafael Callegos . Isa siya sa pinakamalaking investor sa black monstrous site dahil sa pagpasok nito ng iba’t-ibang matataas na tao.
Bilang si Kuya Azrael ang superior, kailangan niya pangalagaan ang mga tao sa kamay niya. Si Ava ay hindi maaaring mapahamak dahil ito ang magpapasimula ng sigalot sa bawat sangay ng pederasyon.
Tumunog ang phone ko, isang mensahe mula sa monstrous association. Agad na akong nagbihis ng itim na mahabang damit, ang tawag namin dito ay black traditonal cloth o bilang pagkilala sa grupong itim ng monstrous.
Dumiretso na ako sa ground floor para kuhanin ang sasakyan at umalis. Pagdating ko sa lugar, marami ang nagkakasayahan at nag-iinuman ng iba’t-ibang uri ng alak.
Sa hindi kalayuan, napatingin ako sa direksyon ni Kuya Azrael at sumenyas na papasok sa loob. Pagdating ko roon, ang lahat ay abala na sa kaniya-kaniyang mga gawain. Umupo na ako at ang seryoso ng bawat isa dahil sa perang pumapasok.
Hacking- ito ang pinamumunuan ko. Siguro para sa iba ay isang kasakiman ang trabahong pinasok namin ngunit hindi, ang pera ng gobyernong pailalim ay dito pumapasok. Kalahati ng shares ay napupunta sa amin para ibahagi sa ibang nais tumulong at ang iba naman ay para sa pangsariling pangangailangan.
Habang abala ang lahat, napadako ang tingin ko sa camera na hawak ng isang lalaki. Muli kong sinilip kung sino ang na sa loob ng camera at tumambad sa akin ang mukha ni Ava na puno ng kuryosidad.
Napasok na niyang tuluyan ang black monstrous. Walang ibang paraan upang makalapas pa, hindi ko na rin alam ang gagawin para mapangalagaan siya.
Biglang nawala ang camera. Hindi ko namukhaan kung sino ang may hawak nito. Sinubukan kong habulin ngunit dahil magkakamukha ang suot naming lahat ay hindi ko na nakita pa.
Lumapit ako kay Kuya Azrael para sabihin ang nakita ngunit wala siya dahil mayroong meeting na pinuntahan. Hindi ko na magawa pang makapag-concentrate sa ginagawa, dahil sa labis na pag-iisip ay aksidenteng mali ang napindot ko sa computer at naging dahilan ng aberya.
Tumayo na ako at hinayaan na sila roon. Kailangan ko na muna ipahinga ang isip ko at mag-isip ng paraan, hindi nanaisin ni kuya na malaman ang mga nangyari.
PUMASOK akong walang tulog. Isang masayang bati ang ibinigay ni Ava sa akin. Sinuklian ko naman iyon ng ngiti kahit na pilit. Matapos ng mahabang linya, napag-isipan namin ni Ava na pumuntang library.
Kahit papaano nalilibang ako sa mga libro nababasa. Napatingin ako kay Ava na tulalang nakatingin sa screen ng laptop. Sa kuryosidad, pinilit kong kinuha iyon para makita at hindi nga ako nagkamali, isang mensahe mula sa monstrous site ang nagpadala ng dark threat na nagtatago sa pangalang Mortem.
“We found you,” ani nito. Siguradong siya ang may hawak ng camera sa loob ng hacking site ng monstrous kaya’t minabuti kong tawagan.
Monitor na nila si Ava kaya’t siguradong sasagutin nito ang tawag dahil nakita na ako.
Segundo lamang ay agad nitong sinagot.
“Gue necesitas?” - ako
(What do you need?)
“Usted sabe lo que es” - Mortem
(you know what it is)
“Mierda,” - ako
(F*uck)
"No discutas, Ki-el. Haz tu propia responsabilidad” -Mortem
(Don’t make an argue, Ki-el. Do your own responsibility)
Hindi na ako kumibo pa at pinatay na ang tawag. Ibinigay ko na rin kay Ava ang laptop at nagtuloy na sa pa. “I-block mo siya, nababaliw na,” utos ko sa kaniya.
Ang boses na iyon ay pagmamay-ari ni Gabriel, he is the superior of red monstrous site.
Ito na ang simula. Habang tumatagal, lalo akong napapalapit kay Ava kaya’t paano kung hindi ko siya maprotektahan sa oras na dumating ang araw ng paglilitis?
“KAILANGAN na natin kumilos,” kalmado ngunit malaman ang naging salita ni kuya Azrael kahit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at patuoy lang sa pagbabasa.
Umupo ako sa tabi niya at kumuha rin ng isa pang babasahin. Katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa hanggang basagin ko iyon sa isang katanungang nakakuha sa atensiyon niya.
“Do you like her?”
Ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng seryoso at nakakakilabot na imahe. Sanay na ako sa ganiyang itsura niya lalo na’t kung kami ang magkausap.
“No,” maiksi niyang sagot. Tumango na lamang ako bilang tugon bago siya iwanan. Magkapatid kami, kahit magkaiba ng posisyon sa kapangyarihan at kahit gaano man kadilim ang kaniyang pagkatao, hinding-hindi maikukubli ang dugong dumadaloy sa aming katawan kaya’t ang kaniyang sagot ay hindi ako malilinlang.
He loved Ava, the woman he wants to save.
Ang isang superior monstrous ay hindi maaaring umibig sa taong hindi parte ng grupong aming binubuo. Tila mas lalong mag-aalab ang gulo sa oras na malaman ng lahat, hindi lamang isa kung hindi tatlong superior monstrous ang sumalungat sa batas at ang tatlong iyon ay sa iisang babae lang umiikot.
Si Kuya Azrael,
Si Damon,
At si... Gabriel?