Azrael’s POV
Sampung taon na ang nakakalipas noong ang dalawang mundo ay pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang madilim kong pagkatao ay nagkaroon ng liwanag sa pagdating niya. Ako si Azrael, ang superior of black monstrous.
Kapangyarihan, kayamanan, at katanyagan. Sino ba ang ayaw ng mga ito, ang mga bagay na mayroon ako? Bagamat lingid sa kaalaman ng lahat, ang isang tulad ko ay nakakulong na sa maraming taon simula noong mawala ang taong mahal ko. Siya ang babaeng gusto kong balikan, ang babaeng kinahuhumalingan ng aking kaibigan.
Ang pamilya namin ni Ki-el ay nagmula sa madilim na nakaraan, illegal sa mga taong walang kakayanan sumapi at legal sa mga taong malakas ang kapit sa pamunuan ng bansa.
Hindi ko ninais magkaroon ng ganitong buhay ngunit nagbago ang lahat noong mawala si Papa, siya ang isa sa pinakamataas na bumubuo ng pangkat at bilang panganay niyang anak ay hindi ko sasayangin ang pinaghirapan niya.
Kasalukuyan akong na sa monstrous site para sa isang pagtitipon. Hindi nagtagal, dumating na ang superior of red monstrous na sina Gabriel at Damon. Bagay sa kanila ang lugar ng red monstrous, they are brutal killers.
Umupo sila sa kaharap kong lamesa. Hindi nagtagal, dumating ni rin si Ki-el. Tahimik lang ang bawat isa habang hinihintay ang board members na tagasiyasat ng mga nangyayari sa loob.
Isa-isang nagpasukan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno at isa na roon si Mayor Callegos, he’s powerful and trusted among those people under my hand.
Tumayo na si Gabriel para simulan ang presentation sa mga nangyari ngayong linggo. Sa tuwing nakikita ko siya, bakas ang galit sa puso niya. Kasabay ng pagkasira ng kaniyang mukha ay ang pagkasira ng kaniyang pagkatao.
Magkapatid sila ni Damon, ang lalaking kinasusuklaman niyang lubos. Dahil sa pekas ng mukha ni Gabriel, itinuring siyang walang bilang sa pamilya at tila alipin. Si Gabriel ang inilaban sa bawat gulo ngunit masyadong matinik kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin.
Tumaas ang posisyon ni Gabriel kahit ayaw ng kaniyang ama dahil mismong mga tao na nandito ang bumoto sa kaniya.
Si Damon ay seryoso lang ang mukha habang kasalukuyang pinakikinggan ang sinasabi ng kapatid. Tapos na ang away sa pagitan nila ngunit bakas pa rin ang pagkamuhi sa isa’t-isa.
Matapos maglahad ni Gabriel ay sumunod na tumayo si Damon. Wala siyang anumang inilabas na report dahil sa katotohanang kumakalat na may babae itong binabantayan.
Si Damon ay matalik kong kaibigan. He’s the richest and powerful among us. Ang lahat ng ari-arian nila ay sa kaniya lang nakapangalan at tanging ilang porsyento lang ang naibigay kay Gabriel.
Akala ko ay magiging matibay ang samahan namin bilang matalik na magkaibigan ngunit hindi pala, ang babaeng matagal ko na gustong makuha ay ang babae ring kinahuhumalingan niya ngayon.
Umupo na siya at sumunod na nag-report ay ako tungkol sa robbery at m*******a. Siguro nga ay nakakasira ng buhay ang ginagawa ko ngunit ito lang din ang paraan para magkaroon ng kapangyarihan.
Hindi isang ordinaryong grupo ang kinabibilangan ko, kailangan kong ituloy ang nasimulan ng aming pamilya at para pangalagaan sila.
Natapos ako at si Ki-el ang huli. Maraming natuwa sa kapatid ko dahil sa perang pumapasok mula sa iba’t-ibang bansa na konektado sa kanila.
Natapos ang seremonya at isa-isa na naglabasan ang mga nandito, ang tangi na lang natira ay ako at si Damon. Walang kumikibo sa pagitan naming dalawa ngunit patuloy na pinapakiramdaman ang bawat isa.
Kinuha ko ang isang baso at tinignan muna iyon bago ito buong lakas na ibalibag. Tumingin siya sa akin ng walang anumang reaksyon o pagkagulat kaya’t napatawa ako ng mapakla at anumang oras ay gusto na siyang lasunin.
“Damon… Damon… Damon…” pag-uulit ko sa pagtawag sa kaniya.
“I trust you,” dagdag ko pa.
“I trust you more than anyone else.”
Ang sumunod na baso kong hawak ay kinuha niya. “Kill me if you want.”
Lalo akong napatawa sa sinabi niya. Kulang pa ang kamatayan sa ginagawa niya ngayon. Isang taksil na kaibigan, walang bagay na salita para sa kaniya.
“Azrael, hindi ko sinasadya,” sa unang pagkakataon ko narinig mula kay Damon ang nagpapakumbabang salita. Tinignan ko siya sa mga mata, pilit kong binabasa ang na sa isip niya.
Muli siyang umupo at sinapo ang mukha. “I tried to stop my f*cking feelings but I can’t. That night when I look at her eyes, I felt something wrong. I don’t want to fell in love with the same thing,” paliwanag niya.
Napapamura na ako sa mga sinasabi niya. Isang kalokohan na sa laki ng sakop ng mundo ay pagtatagpuin kami sa iisang tao pa.
Damon is my best friend for 14 years.
Dumating ang isang gabi kung saan nagkaroon ng kasiyahan, naisipan naming maglakad-lakad at doon ay nagawa niyang magtapat, tulad ko ay nagmahal din siya ng isang taong hindi kabilang sa aming pangkat. Ang lahat ay nanatiling sikreto sa pagitan naming dalawa.
Akala ko ang lahat ay magtatagal ngunit tama sila, ang lahat ng bagay ay pawang panandalian lamang.
I met Ava when I was 8 years old. She was brave, that’s the thing that makes her more special.
Every time I looked at her innocent face, my heart went so fast. We became friends but my father was died and I need to choose this life, being superior of monstrous at a young age and left my childhood days.
Ava is my first love.
Ako yung tinaguriang makapangyarihan ngunit walang lakas upang ipaglaban ang babaeng minamahal. Mahigpit na ipinag-uutos na bawal kami umibig sa taong hindi parte ng aming samahan.
Sa ilang taon kong paghahanap kay Ava, hindi ko akalaing darating ang araw na muli kaming magtatagpo sa isang mundong tanging puso lamang ang magdidikta ng mangyayari.
AKO ang nagtago sa katauhan ng isang misteryosong lalaki, si King. I am the person that chatted with her, I am also the person behind all of her questions.
Noong makikipagkita na ako sa kaniya, hindi natuloy sapagkat maraming bantay. Nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng monstrous. May isang mensahe akong natanggap, may ibang grupo ang papunta sa lugar kung nasaan si Ava upang gawin ang isang misyon.
Sinubukan ko siyang tawagan bagamat inalis ang lahat ng signal dito sa monstrous upang walang makapasok na virus sa mga devices.
Wala akong ibang maisip na paraan, si Damon lamang ang tangi kong pag-asa. Siya lang ang tanging makakaalis noong araw na iyon dahil malakas ang kapit ng kanilang ama sa mga guwardiyang tagapagbantay.
May tiwala ako sa kaniya, alam kong siya yung taong hindi gagawa ng bagay na ikasisira ng aming samahan.
Dahil sa pagiging abala ko noong araw na iyon, naging panatag akong magkasama sila. Dumating si Damon ng pagabi upang sabihing naging maayos ang lahat.
Hindi raw niya sinabi ang totoo kay Ava, nais niyang ako mismo umamin sa aking naiibigan. Sa mga oras na iyon, nagpapasalamat ako sa kaniyang ginawa.
Nagtuloy ang aming pag-uusap ni Ava bilang nagtatago ako sa katauhan ni King na inakala niyang si Damon.
NAGING maayos ang lahat, iyon ang pinaniwalaan ko.
Nais kong makita si Ava kahit palihim lamang tulad noong ginawa kong pagtatago sa araw ng kaniyang kaarawan. Ito na ang huli, kailangan ko na ring lumisan sa buhay niya.
Gabi noon, wala siyang kasama. Alam kong magdudulot iyon ng takot sa kaniya kaya’t wala akong balak na magpakita.
Mukhang naramdaman niyang may tao. Natawa pa ako noong kumuha siyang pamalo kahit na bakas sa mukha niya ang takot. Akmang paalis na ako noong tumunog ang kanilang doorbell, pagkabukas nito ay maging ako’y nagulat sa pagdating ng taong iyon,
si Damon.
Umalis panandalian si Ava upang maghanda ng miryenda. Ilang saglit lamang ay naramdaman ni Damon ang presensiya ko. Nagtungo ako sa CR upang doon kami mag-usap.
Pumasok siya sa loob at sinalubong niya ang puno ng katanungan kong mga mata.
“This is not the right place,” Pinipigil kong magalit sa nangyayari. Kung ano man ang kaniyang pinunta, alam kong hindi maganda ang dahilan.
“I know,” sagot nito at lumabas na.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang magkita silang muli ni Ava.Ilang metro na lamang ang layo ko noong matanawan silang magyakap.
Halos madurog ang puso kong pagmasdan ang aking minamahal habang hawak siya ng taong pinagkakatiwalaan ko.
Nagtama ang aming mga mata ni Damon ngunit wala pa rin siyang ginawa. Mas hinigpitan nito ang yakap.
Umalis na ako sa lugar na ‘yon at bumalik sa monstrous upang ibuhos ang lahat ng galit. Alam ni Damon kung bakit nais kong makipagkita kay Ava, iyon ay para magpaalam at ipaalam ang buong katotohanan.
Ngayon ay huli na ang lahat dahil kahit ano mang iwas, isa lang ang sigurado at iyon ang kapahamakang naghihintay kay Ava.
Wala na ring saysay pa ang pagtatago, hindi lamang ako ang nagkasala sa grupo kung hindi pati siya. Hindi ko kayang makita si Ava na pahirapan sa aking harapan.
Noong magharap na kami ni Damon, halos basagin ko ang mukha niya. Wala itong anumang emosyon kahit nagdurugo na ibang bahagi ng mukha.
“Tell me the truth,” Pilit kong pinipigil ang aking sarili na mapatay siya. Oo, siya ang namumuno sa red monstrous ngunit kailanman ay hindi ako natatakot kalabanin ang isang taksil na tulad niya.
“Sorry,”
Hindi ko na nagawa pang makapagpigil. Bumukas na lamang ang pinto at dumating si Ki-el para pigilan akong mapatay siya.
HABANG inaalala ko ang mga nangyayari, hindi ko magawa pang matagalan ang usapan namin ni Damon kaya’t nauna na akong lumabas at baka hindi na ako makapagpigil pa.
Inagaw niya ang nag-iisang babae na pilit kong inaangkin, ang babaeng minahal ko sa loob ng maraming taon. Ang sinabi ni Damon, sasabihin niya ang totoo kay Ava ngunit hindi, lalo lamang naging komplikado ang sitwasyon.
Sa paglabas ay dali-dali na akong sumakay ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan pupunta, isa lang ang tanging sigurado. Gusto kong makita si Ava ngayon.
Tumambay na muna ako sa bar. Saktong uwian na rin nila Ki-el noong makaramdam akong inip bagamat hindi ako pwede magpakita sa kaniya, kailangan ko munang hintaying umalis ang sasakyan nito.
Walang kasama si Ava noong naglalakad ito patungo kung saan kaya maaari ko siyang lapitan. Napansin kong nagtatago siya sa isang sulok ng eskinita ngunit hindi ko alam kung bakit. Minabuti ko na lamang sundan siya.
Ilang saglit pa, lumabas na rin siya.
“Nice to meet you, Ava,” bati ko sa babaeng naestatwa noong makita ako. Mukha siyang masisiraan ng bait dahil sa bilis ng lakad para humanap ng masasakyan ngunit bago pa man, sinesenyasan ko na ang mga driver na huwag siyang pasasakayin at mayroon lamang kaming hindi pagkakaintindihan.
Natatawa pa ang ibang matatanda dahil iniisip nilang misunderstanding ang tawag sa couple na nagtatampo ang isa. Napapailing na lang din ako sa iba’t-ibang reaksyon ng kanilang mukha.
Masyado na rin madaldal si Ava kaya’t minabuti ko na lang buhatin siya papasok ng sasakyan. Sa bandang huli, mukha namang napapayag na rin dahil kailangan ko makausap si Mayor Callegos.
Pagdating sa bahay nila, naunang pumasok si Ava at noong sundan ko siya ay tahimik lamang siyang nakatitig sa ama at kapatid na si Kevin na masayang nagkekuwentuhan. Noong makita ni Mayor Callegos ay wala man lang masayang pagsalubong sa anak.
Sa pagpasok ko, doon gumuhit ang ngiti ni Mayor Callegos. Gano’n naman talaga ang tingin nila sa akin, ang mga matataas na tao ay kailangan asikasuhin at ituring na bisita.
Pumanik na si Ava at nagkuwentuhan pa kami ng kaniyang ama. Si Kevin ay na sa isang gilid lang at tahimik na nakikinig sa aming usapan.
“Mabuti at napasyal ka Azrael. Kasama mo pa pala ang aking anak, si Ava,” nagigiliw nitong sambit habang nagsasalin ng kape sa baso.
“I want to marry your daughter,” dire-diretso kong paalam at natigilan naman siya. Alam nitong bawal ang gusto kong mangyari, ikakapahamak itong lubos ni Ava.
“Azrael… A-alam mong hindi ako makakatanggi sa anuman ang iyong hilingin ngunit ma-mahirap naman yata ang gusto mong mangyari,” alangang sagot ng matanda. Tumingin ako sa kaniya at sinalubong ang mga mata.
“That’s the only way para maprotektahan ko siya. Nakapasok na siya sa monstrous site,” dagdag kong paliwanag para malinawan siya. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at hindi makapaniwala.
“No!” sigaw ni Kevin at humarap sa akin. Kilala niya ako, isa rin siyang black monstrous na access sa Australia kaya’t ang mga nangyayari ay alam na niya.
“Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari superior,” matigas nitong tugon. Nagalit sa kaniya si Mayor Callegos kaya’t inutusang umalis. Ayaw man ni Kevin ay wala pa ring nagawa dahil sa utos ng ama.
Kami na lang ngayon ang naiwan.
“I am so sorry,” paghingi niya ng paumanhin sa inasta ng anak. “But I can’t,” dugtong niya at napatingin ako sa kaniya.
“Iginagalang kita bilang superior ng black monstrous Azrael pero hindi siya laruan na pwede kong ibigay kahit kanin-” hindi na niya natapos pa ang sasabihin no’ng bigla akong magsalita.
“Hindi mo naman siya itinuturing na anak. Isa lang siyang basura sa buhay mo hindi ba?” may kabastusan kong tanong.
Lumapit ang isa sa mga katulong nila para sabihing nakahanda na ang mga pagkain. Tumayo na si Mayor Callegos at hindi man lang sinagot ang huli kong naging tanong.
“Tatawagin ko na si Ava, dito ka na kumain,” ani nito bago tuluyang umalis. Napahinga akong malalim, ito na lang ang tanging paraan para mailigtas ko si Ava.
Ilang sandali, lumabas na sina Kevin at Mayora Valencia. Umupo na ako sa harap ni Kevin na wala man lang kibo at dumating na rin si Mayor Callegos kasama si Ava.
Bumalik sa dati ang saya ng aming kwentuhan ngunit si Kevin ay seryoso pa ring nakatingin sa pagkain. Si Ava naman ay mukhang walang gana, bakas din ang pagkagulat sa mukha niya noong tumayo si Kevin.
Sumenyas si Mayor Callegos ng paumanhin sa inaasal ng anak. Natapos ang pagkain at pumunta na kaming balkonahe. Si Mayor Callegos ay nagpaalam muna at kami na lamang naiwan ni Ava.
Gusto ko siyang yakapin, gusto kong maramdaman niyang hindi siya mag-isa. Hindi ko alam kung hanggang saan ko siya magagawang protektahan.
Nagpaalam siyang kukuha muna ng maiinom at sakto namang tumawag si Ki-el, kailangan kong pumunta sa monstrous site dahil may gulong nangyari.
Agad kong pinatay ang tawag noong dumating si Ava. Nagmadali na akong umalis para alamin ang mga nangyari. Pagdating doon, ang lahat ay nagkakagulo dahil nagdedecline ang access namin.
Si Ki-el ay paikot-ikot sa upuan at iniisip mabuti ang mga nangyayari. May ibang hacker ang nakapasok at ang access ng illegal drugs ay unti-unting nabubura.
Sakto ang dating ni Gabriel, pinacheck namin sa kaniya at maging ito ay tila naguluhan sa nangyayari. Pilit kong kino-contact si Damon ngunit wala man lang kahit isa ang gumana sa access ng location niya.
Ang sabi ni Gabriel ay pupuntahan na muna niya ang kapatid. Nagkatinginan kami ni Ki-el, kahit gaano pa kalaki ang pagkamuhi niyong magkapatid sa isa’t-isa ay hindi pa rin maitatago ang pag-aalala at si Gabriel, siya ang nagpatunay niyon.