Aurora Feliz Dahil nalalapit na ang birthday ko ay niyaya ko sina Jhulia at Patricia na tulungan akong pumili ng magiging damit ko sa party. Dahil busy si Benedict ay kami muna ang mag-aasikaso noon. Nagpaalam naman ako sa kanya at sa bahay namin gaganapin ýong mga preparations for my birthday. Sobrang saya ko na malapit na ang birthday ko. Masyado na rin kasing magulo ang mga pangyayari. At least, ngayon ay masasabi kong araw ko naman ngayon at hindi ko hahayaan ang kung sino man na sirain kung ano man ýong pinaghahandaan ko sa birthday ko. Habang napili ng gown ay bigla akong tinanong ni Jhulia out of nowhere. Nagulat din ako sa tinanong niya sa akin eh. Hindi ko alam kung maiinis ako o kakalma na lang dahil pagod na ako sa topic na iyon. Si Ellion na naman kasi ang tinatanong niya sa

