Ellion Jase Makaraan ang ilang araw ay nasabihan ako ni Jairus na birthday na nga ni Aurora. Doon ko lang naalala na malapit na nga talaga iyon. Siguro, sa sobrang busy ko ay hndi ko na alam ang mga araw. Hay, naku. Mukhang hindi naman ako invited doon dahil wala naman akong natanggap na invitation card. Nakakahiya naman na pupunta ako roon eh wala akong invitation. ‘’Pare, pumunta ka na. Nandoon naman ang lahat ng kaibigan natin eh. Ayaw mo ba? Ito naman, minsan lang naman ýon. Pagbigyan mo na kami,’’ sabi ni Jairus sa akin. ‘’Oo nga pare, alam namin na uuwi ka na sa Mindoro kaya pagbigyan mo na kami. Hindi naman namin alam kung kailan na ang susunod mong uwi rito eh,’’sabi naman ni Jonas. ‘’Kayo ah, ilang beses ko na kayong pinagbigyan sa inuman. Siguro naman, ayos na iyon di ba? Aya

