Aurora Feliz I was having my coffee when Jairus called me. Hindi ko alam kung anong meron at napatawag siya sa akin. Hindi naman kasi siya madalas na natawag kaya nagtataka ako ngayon. Sinagot ko naman ýon agad kasi baka importante ang sasabihin niya sa akin. ‘’Oh, Jairus? May problema ba? Anong maitutulong ko sa iyo?’’ tanong ko agad sa kanya pagkasagot ko noong tawag. ‘’Ah, Aurora. Si Ellion kasi, ayaw sumama sa party mo. Gusto ko sanang itanong kung pwede siyang sumama sa amin? Iyon lang naman, kung hindi pwede ay ayos lang naman sa amin,’’ sabi niya. Noong sinabi niya iyon ay bigla akong napatigil. Hindi ko kasi alam kung tama ba na papuntahin ko si Ellion sa birthday ko. Eh noong huli kaming mag-usap, sinabi ko sa kanya na huwag na magpakita sa akin. Iniisip kong maiinis din sa ak

