Chapter 96

2066 Words

Maricar Nagising ako sa isang malakas na katok mula sa pinto ng condo ko. Kusot-kusot ko pa ang mata ko noong bumangon ako mula sa kama. Inis na inis ako noon dahil ang aga-aga ng bisita ko. Isa pa, alam ko namang wala akong bisitang pupunta ngayon kaya taking-taka talaga ako. ‘’Good morning! Oh my god, akala ko ay hindi mo na bubuksan ýang pinto mo eh. Alam mo ba, kanina pa ako na nandyan sa labas? Nag-door bell na ako at kumatok. Lahat na ginawa ko para magising ka pero wala pa rin. Ano bang nangyayari sa iyo, ha? Ayos ka lang ba?’’ sabi sa akin ni Liza. Ang labo pa ng tingin ko sa kanya dahil antok na antok pa ako. Diyos ko naman, ano bang meron at nandito ito ngayon? Sa pagkakaalala ko naman kasi, wala kaming usapan na magkikita kami ngayon. Istorbo naman ‘to sa masarap kong tulog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD