Benedict Dumating na ang araw na hinihintay ko. Birthday na ni Aurora. Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang takbo nito o hindi. Basta ang akin lang, ilalaban ko ang araw na ito dahil napaka-importante nito para sa akin. Ngayon ko na kasi binabalak na mag-propose kay Aurora. Sa tingin ko naman ay sasagutin niya ako dahil okay naman kami nitong mga nakaraang buwan. Nakapagpaalam na rin naman ako sa Mommy ni Aurora. Alala ko pa ýong araw na iyon, kabadong-kabado ako at iniisip ko rin na pwedeng hindi pumayag si Tita sa gusto ko. Maiintindihan ko naman siya kasi mabilis din ang mga pangyayari sa amin ni Aurora. Masasabi kong naging malaking tulong talaga ýong pag-stay niya sa condo ko ng ilang buwan. ‘’Tita, nasaan po kayo now? Pwede ko po ba kayong sunduin para makausap? May kailanga

