Chapter 5

1040 Words
Aurora Feliz Ilang araw ang nakalipas, bumalik ako sa unang tagpuan namin ni Ellion. Napaupo ako sa mahabang kawayan na upuan sa loob. Inaalala ko ang unang pagkikita namin sa lugar na ito. "Ano ba! Masakit! Aray ko!" sigaw ng batang si Aurora. Natamaan kasi siya ng bola. "Bakit ka kasi nandito, ha? Wala naman nakatira dito ah? 'Yan tuloy, natamaan ka ng bola ko. Patingin nga!" inis na sagot naman ni Ellion. "Ikaw na nga ang nakasakit, ikaw pa ang galit! Isusumbong kita sa Mama ko pag-uwi ko, naglalaro lang kami ng mga kaibigan ko ng taguan eh!" naiyak na si Aurora. Hinipan-hipan naman ni Ellion kung nasaan ang sugat sa may noo. Ngumiti siya kay Aurora pagkatapos. "Oh ayan, ayos na. Gamutin mo na lang nang maigi sa bahay ninyo. Alis na ako, bye!" tumayo si Ellion at kinuha ang kanyang bola pagkatapos ay naglakad na papalayo. "Hoy, bumalik ka rito! Isusumbong talaga kita sa Mama ko! Lagot ka roon!" sigaw ni Aurora pero hindi na narinig ni Ellion dahil malayo na siya. "Tangina, dati sugat lang dahil sa bola ang binibigay mo sa akin tapos ngayon sugat na sa puso dahil mahal na mahal kita? Nakakagago," sabi ko sa sarili nang bumalik na ko sa ulirat. Habang naiinis, tiningnan ko ang paligid. Naalala ko kung gaano namin kagusto na maayos ang bahay-bahayan na ito nung naging kaming dalawa na ni Ellion. "Buti na lang pala, hindi natin ginawang bahay talaga 'to, kundi nalugi ako sayo. Akala ko talaga, magiging asawa na kita eh," sabi ko sa sarili, iniisip pa rin ang nakaraan namin. "Babe, kapag naging successful na tayo pareho eh dito na tayo titira ha? Aayusin na lang natin ng konti itong tambayan," sabi ni Aurora na nakangiti kay Ellion. "Oo naman, kahit mahirap ay ipapaayos ko na ang papeles nitong abandunadong bahay na ito para maging sa atin na. Soon, okay?" sagot ni Ellion pagkatapos ay hinalikan niya si Aurora sa noo. "Thank you babe! Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ng bahay na ito di ba? Dito natin nabuo at patuloy na bubuuin ang lahat. I love you babe!" niyakap ni Aurora si Ellion. "Oo, dito tayo mamumuhay nang masaya at dito rin tayo magkakaroon ng pamilya. Pangako ko sa iyo 'yan babe. I love you more!" "Ngayon, anong nabuo mo? Sakit lang, Eli. Sakit dito sa puso ko. You are such a scammer, akala ko ba hanggang dulo na tayo? Nasaan ka na ngayon?!" galit na galit na sabi ko kapag naaalala ko 'yon. Pumunta ako sa kwarto kung saan kami laging natutulog noon. Buti na lang talaga at napipigil niya ang sarili niya sa tuwing magkatabi kami. Hindi naman pala kami magkakatuluyan, muntik ko pa namang ibigay sa kanya ang lahat. Hinimas-himas ko ang cover ng kama. Amoy ko pa rin ang pabango niya, iyon ang hilig niya dahil ako ang nag-regalo noong birthday niya. Memories. They are not fading, lalo ko lang siyang minamahal sa mga naiisip ko. Naalala ko tuloy yung gabi na birthday ni Jairus, hindi ko naman kasi alam na siya pala ang kaibigan ni Patricia.  Nakakahiya talaga noon pero hindi ako nakaalis kasi parang ang bastos ko naman kung gawin ko iyon. Isa pa, nakita ko naman siya kaya ayos na rin. Iyon nga lang, bwisit itong si Benedict. Todo halik sa akin, kahit gusto kong humingi ng tulong sa ex-boyfriend ko ay hindi ko magawa dahil alam ko naman na wala na siyang pake sa akin. Umakto na lang tuloy ako na parang gusto ko ang panlalandi ni Benedict kahit hindi naman talaga. Nakakasuka. Nasasaktan tuloy ako noong nakatingin siya sa akin, alam kong galit na galit na siya pero hindi ko na siya pwedeng ibalik sa akin. Ayaw na niya, e. Ilang minuto pa habang nakahiga pa rin ako sa kama ay may narinig akong pumasok. Kinabahan ako at baka kung sino iyon. Si Ellion lang naman ang may kayang pumasok rito. Sinilip ko sa labas kung sino, si Ellion nakaupo sa may sala. Pagod na pagod at parang ang dami niyang problema. Isa kaya ako sa mga iyon? Nakapikit pa siya habang nakaupo roon. Umubo ako nang mahina pero sapat na para marinig niya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata, pero kita ko rin na hindi siya masaya na nakita niya ako. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya, nauutal pa. "Wala. May kinuha lang akong gamit. Kailangan na pala nating kunin ang mga gamit natin dito, Eli. Wala nang saysay ang mga ito," tinapat ko siya, may lungkot sa aking boses. "Hmm, ikaw na muna ang kumuha sa mga gamit mo sa Lunes. Sa Huwebes ko na lang kukunin yung sa akin kasi may gagawin pa akong importante," seryoso niyang sabi. Ayaw na ba talaga niya akong makita? Bakit parang hindi na ako pwedeng mabuhay malapit sa kanya? "Ah, ganoon ba? Walang problema." Walang gana kong sabi. "Sige, salamat. Isara mo na lang ang pinto kapag aalis ka na ha?" sabi niya, hindi man lang ako nililingon. Tangina mo, nawalan ka ba ng puso noong naghiwalay tayo? Gago, parang hindi na kita kilala! Ikaw pa ba ang Ellion na minahal ko?! "Ellion, b-bakit ka pala nandito?" matapang kong tanong sa kanya. "Wala naman, ito kasi ang lugar na alam kong tahimik. Hindi rin pala kasi nandito ka," seryoso ulit niyang sagot. Clone na lang ba 'to ng Ellion ko? Tangina, ang laki ng pinagbago ah. Walang puso! Aalis na sana ako dahil sa inis nang maalala ko ang pangyayari noong birthday ni Jairus. Yung hinalikan ako ni Benedict. "Ellion." "Hmm? Ano 'yon? May nakalimutan ka pa ba?" "Oo. Nakalimutan kong mag-sorry tungkol sa halikan namin ni Benedict noong birthday ni Jairus, it is not-" "Halikan mo lang, hindi naman na tayo kaya hindi na ako magagalit. Actually, masaya nga ako para sayo kasi nakahanap ka na ng lalaki na para sayo." Napapikit at napamura na lang ako dahil sa inis. Hindi ko na siya nilingon pa at patuloy na lang akong naglakad pabalik sa bahay namin. Napasapo na lang ako sa aking noo nang ma-realize na wala naman akong dalang gamit! Eh sinabi ko kay Ellion na may kinuha ako. Pinagtatawanan na siguro ako noon ngayon dahil sa katangahan ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD