Ellion Jase
Dahil ayaw ko na siyang makita at maalala, naisipan kong lalayo na lang ako sa kanya. Mas maayos iyon dahil hindi na namin guguluhin pa ang isa't isa.
Pupunta ako sa Mindoro, doon ako magsisimula at maghahanap ng trabaho. Matagal ko na itong gusto, kaso hindi ko lang magawa dahil sa kanya. Ayaw ko siyang iwan, lalong ayaw ko siyang masaktan.
Niyaya ko sa huling pagkakataon sina Jonas, Lester at Jairus. Gulat na gulat sila dahil hindi naman ako nainom na, nito na lang ulit.
"Bakit? Anong meron? Heart broken ka pa rin ba, pre?" tanong ni Jonas.
"Wala namang nagbago roon pre. Broken pa rin 'yan. Yun nga lang, pupunta na siyang Mindoro ngayon para mag-move on kuno!" sabat naman ni Lester.
"Bakit?" tanong ulit ni Jonas.
"Gusto ko nga munang mag-isip. Hindi ko 'yon magagawa kung nandito ako at nakikita ko siya, di ba? Naiintindihan niyo ba ako?" sagot ko naman.
"Gets naman namin pare, pero kung tungkol ito sa paghalik ni Benedict sa kanya eh sagot kita. Ako ang bahala sa lalaking 'yon, kakausapin ko." Sabi ni Jairus pagkatapos ay nainom ng beer.
"Ewan ko, basta ang gusto ko lang ay umalis muna sa lugar na ito. Hindi kami magiging maayos kung iisa ang mundong ginagalawan namin," sabi ko pagkatapos ay lumabas muna ako para manigarilyo.
Paglabas ko ay agad namang sumunod sa akin si Jonas. Humingi rin siya ng sigarilyo at sinindihan niya 'yon.
"Pare, nakapagpaalam ka na ba sa kanya?"
Para saan pa? Wala na iyon. Tapos na kami.
"Hindi na. Ayos na 'yon, hindi naman na kami para sabihin pa sa kanya kung ano talaga ang ginagawa ko sa buhay. Mas mabuti na itong hindi kami magkikita, para hindi na namin masaktan ang isa't isa," sagot ko.
"Nahihirapan kang makita siya kasi mahal mo pa, bakit hindi mo kasi balikan pare? Halata naman na mahal niyo pa ang isa't isa eh," sagot niya pagkatapos manigarilyo.
"May mga bagay na madaling sabihin pero mahirap gawin. Mahal ko siya na kaya ko siyang palayain. Maybe, hindi pa ito ang oras namin. Hayaan mo na, kung para naman kami sa isa't isa eh tadhana na ang gagawa noon para sa amin," sagot ko sabay pasok sa loob ng bar.
Umupo na ako at uminom na ulit. Nakasunod naman sa akin si Jonas, tahimik lang siyang bumalik sa upuan niya.
"Heart to heart talk ang ginawa niyo sa labas?" pang-aasar ni Lester.
"Nag-confess na siguro ng pagmamahal si Lester kay Eli. Aalis na eh, this is the right time!"gatong ni Jairus.
"Mga tanga, uminom na lang tayo. Kahit maaga ako bukas, kaya ko naman. Basta, ihahatid niyo ko ah?" sabi ko.
Kinabukasan, nagkita-kita kami para ihatid nila ko. Huling bonding ko na rin ito sa kanila, hindi ko kasi alam kung babalik pa ba ako rito.
"Nasaan si Jonas?" tanong ko sa kanila.
"Ayaw ka yatang makitang umalis kaya hindi na pupunta. Daig pa niya si Aurora sa pagmo-move on ah?" sagot naman ni Jairus.
Natawa naman si Lester dahil doon. Ilang minuto pa ay dumating na si Jonas, kasama niya si Aurora na kinagulat naming lahat.
"B-bakit kasama mo siya, pare?!" galit na sabi ni Jairus kay Jonas.
"Tangina naman, sabi ngang hindi na dapat sabihin kay Aurora eh!" sabi pa ni Lester.
"B-bakit hindi niyo sasabihin sa akin? Akin 'yan eh, mahal ko 'yan at gagawin ko ang lahat para maging akin siya ulit!" naiiyak na sabi ni Aurora.
Lumapit siya sa akin, pilit niya akong niyayakap. Ang sakit, hindi ko kayang nakikita na nasasaktan siya.
"Pare, sige na. Mahal mo pa rin naman si Aurora, alam nating lahat 'yan. Ayusin niyo na lang, kaya niyo naman kasi. Ayaw niyo lang, ayaw mo lang," sabi ni Jonas na diniinan ang salitang mo.
"Hindi ganoon kadali, Jonas. Kung alam mo lang," malungkot na sabi ko.
"Anong hindi madali doon? Sasabihin mo lang naman na mahal mo rin ako, magso-sorry tayo sa isa't isa tapos ayos na ulit. Ganoon naman tayo noon di ba?" sagot ni Aurora habang naiyak pa rin.
"Hindi na siya applicable this time, Aurie. Aaminin ko, I love you pero kailangan nating mag-grow na hindi magkasama," naluluha na rin ako.
"f**k that s**t. Anong klaseng mindset 'yan? You are not like that before. We win our dreams together! Anong nangyari sa iyo?" galit na ang tono ng boses niya, todo na rin ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata.
"I'm sorry, but you can dream and win it without me. I believe in you, Aurie."
Pigil na pigil akong yakapin siya. I want to ease her pain pero hindi ko pwedeng ipakita. Gusto ko na bugbugin ang sarili ko dahil hindi ako ang gagong 'to. Ayaw ko sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ko inasahan na mangyayari 'to.
"So, ganoon na lang 'yon? Iiwan mo ako kasi pakiramdam mo hindi ako magiging malakas kapag kasama kita? Eh tangina, ikaw yung lakas ko eh! Ano na ako ngayong wala ka?!" halos madurog ang puso ko nang marinig 'yon.
"That's the problem, you always depend on me. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na wala ako? Please, I know you can do it! Mas magiging malakas ka kung wala ako!" I will hate myself from now on because of saying that.
"Fine. Umalis ka na, never come back here. Sa lugar na ito at sa buhay ko!" sigaw niya, hinila rin niya si Jonas.
"Umalis na tayo," mahina kong sabi.
"Wala na ba talaga, pare? Kawawa si Aurora eh, kitang-kita sa iyak niyang mahal ka niya talaga. Balikan mo na lang kaya?" sabi ni Lester.
"Hindi na. Ihahatid niyo ba ako o ako na lang ang maghahatid sa sarili ko? Ang bagal niyo, e."
"Ito na nga, nanginginig pa. Ang init agad ng ulo eh, pumasok na kayo sa loob, okay?" sabi ni Jairus.
Hindi pa rin naalis sina Jonas at Aurora sa likod ng kotse namin. Naka,-park lang sila roon, hinihintay yata na magbago isip ko. Sorry, but I will not do that.