Chapter 7

1013 Words
Aurora Feliz I never thought that this day will come. Aalis siya dahil ayaw na niya akong makita?! Anong ginawa ko para mangyari 'to? Hindi eh, hindi katanggap-tanggap! Gabi noon, tumawag sa akin si Jonas. "Aurora, you need to know about this. Mahal mo pa ang kaibigan ko hindi ba?" "Of course, I still love him. Bakit? May nakita ka bang babae niya? Napalitan ba niya ako agad? Sino? Sabihin mo sakin!" "No, hindi naman 'yon ang dahilan ng pagtawag ko. Gusto ko lang malaman mo na aalis na siya papuntang Mindoro bukas." "f**k, bukas agad?! Bakit ang bilis naman yata?! Bakit siya pupunta doon?" "Hindi ko rin alam, bigla na lang niya kaming niyaya ngayon ng inuman tapos sinabi niya sa amin na pupunta na nga siyang Mindoro bukas." "Well, alam ko naman na pupunta siya doon pero nawala iyon sa plano niya nitong mga nakaraang buwan. Ang alam ko kasi, taga roon ang Mama niya." "Eh baka roon nga mag-move on. Gusto mo ba siyang pigilan? Tutulungan kita, kaso maaga kami bukas." "Kahit anong oras pa 'yan, gigising ako para sa kanya. Sunduin mo ako sa bahay bukas at pipigilan natin siya, okay?" "Sige, sunduin na lang kita bukas. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Okay?" Kinabukasan, ala-sais pa lang ay gising na agad ako. Gulat na gulat nga si Mommy sa akin kasi hindi naman siya sanay na maaga akong magising. "Anong meron? Saan ang punta mo?" she asked me. "Pipigilan ko si Eli, Mommy. I need to stop him from going to Mindoro. Iiwan niya na ako," malungkot kong sagot. "Anak, tama naman na. Nagawa mo naman na lahat, tigilan mo na siya. Kung ayaw na niya, edi huwag na. You can live without him, trust me." I can't. He is my life. Sabi nga ni Jonas kagabi,if kaya kong ipaglaban, dapst gawin ko. "Sige Mommy, kapag po ayaw niya na talaga sa akin ay hindi ko na ipipilit pa. Last na ito, please?" hiling ko. "Sige ha, huwag kang umasa masyado anak. Marami pa namang iba dyan, hindi lang si Ellion. Okay? Balitaan mo na lang ako mamaya, anak." Totoo naman, marami pang iba pero si Ellion lang ang gusto ko. Hindi ko makita ang sarili ko sa iba. Pagkatapos ng isang oras, dumating na si Jonas. Akala ko talaga hindi na siya sisipot sa usapan. "Tara na?" yaya niya. "Hindi ka man lang ba kakain muna?" tanong ko. "Hindi na, kapag ginawa ko pa 'yon, hindi natin masasalba ang lovelife mo. Gusto mo ba 'yon?" sabi niya na para bang nananakot pa. "Sige na nga, ito na. Haynaku, bakit ba kasi aalis pa siya eh!" inis na sabi ko habang kinukuha ang mga gamit ko. Habang nasa loob kami ng sasakyan papunta kung saan sila magkikita eh tinatanong ko si Jonas kung ano pa ang mga alam niya. Gladly, sinasagot naman niya ako. Dumating na kami sa lugar kung saan sila magkikita. Andito na silang tatlo, si Jonas na lang yata talaga ang iniintay nila. Kita ko sa mata nilang lahat ang pagkagulat nang makita nila akong lumabas sa kotse ni Jonas. Gusto ko silang saktan ngayon dahil sa inis ko. "B-bakit kasama mo siya, pare?!" galit na sabi ni Jairus kay Jonas. "Tangina naman, sabi ngang hindi na dapat sabihin kay Aurora eh!" sabi pa ni Lester. "B-bakit hindi niyo sasabihin sa akin? Akin 'yan eh, mahal ko 'yan at gagawin ko ang lahat para maging akin siya ulit!" naiiyak na sagot ko. "Pare, sige na. Mahal mo pa rin naman si Aurora, alam nating lahat 'yan. Ayusin niyo na lang, kaya niyo naman kasi. Ayaw niyo lang, ayaw mo lang," sabi ni Jonas na diniinan ang salitang mo. "Hindi ganoon kadali, Jonas. Kung alam mo lang," sabi ni Ellion. "Anong hindi madali doon? Sasabihin mo lang naman na mahal mo rin ako, magso-sorry tayo sa isa't isa tapos ayos na ulit. Ganoon naman tayo noon di ba?" sagot ko habang naiyak pa rin. "Hindi na siya applicable this time, Aurie. Aaminin ko, I love you pero kailangan nating mag-grow na hindi magkasama," naluluha na rin si Ellion. "f**k that s**t. Anong klaseng mindset 'yan? You are not like that before. We win our dreams together! Anong nangyari sa iyo?" galit na ang tono ng boses ko. Hindi ko na kaya ito. "I'm sorry, but you can dream and win it without me. I believe in you, Aurie." "So, ganoon na lang 'yon? Iiwan mo ako kasi pakiramdam mo hindi ako magiging malakas kapag kasama kita? Eh tangina, ikaw yung lakas ko eh! Ano na ako ngayong wala ka?!" durog na durog ang puso ko nang sabihin ko iyon. "That's the problem, you always depend on me. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na wala ako? Please, I know you can do it! Mas magiging malakas ka kung wala ako!" Ngayon ka lang sumigaw ng ganyan sa akin. Hindi na nga siguro kita kilala. Ang bilis mo naman magbago. Anong nangyari sa atin? "Fine. Umalis ka na, never come back here. Sa lugar na ito at sa buhay ko!" sigaw ko habang hila-hila si Jonas. "Aray ko, ano ba? Bumalik na tayo doon! Akala ko ba ipaglalaban mo ang kaibigan ko ha?!"  inis na sabi ni Jonas sa akin. "Ayaw na nga sa akin ng kaibigan mo, pagpipilitan ko pa?! Uuwi na lang ako. I-uwi mo na ko!" sagot ko naman. "Bahala ka sa buhay mo. Last chance mo na 'to oh, ayaw mo pa talaga? Makakahanap ng iba sa Mindoro 'yon!" asar pa niya. Naiinis talaga ako. Iniisip ko pa lang na mag-aasawa siya ng iba ay sobrang sakit na. Talagang hindi ko na hawak ang buhay niya. Hindi na ako yung taong para sa kanya. "Tara na sa loob ng kotse mo at i-uwi mo na ako. Gusto ko na lang mag-move on! Ang sakit eh!" sigaw ko sabay pasok sa loob ng kotse. Tiningnan pa namin ang kotse ni Jairus na paalis na. Paghiga ko talaga sa kama ko, maglulupasay ako. Bahala na kung makita ako ni Mommy! Ang importante ay maka-iyak ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD