Ellion Jase Dahil nga pinangako ko na makikipag-inuman ako kay Tito bago ako umalis ng Mindoro eh nag-aayos ako ngayon dahil pupunta ako sa bahay nina Kathrina. Noong una ay doon sana kami sa restaurant kung saan kami nagkita ni Kathrina pero sinabi ni Tito na sa bahay na lang nila, masunurin naman ako kaya doon ako pupunta ngayon. Habang nakain si Mama at Minnie ay nagpaalam na ako sa kanila. Ayaw ko namang mahuli sa usapan namin. Nakakahiya na masyado. Hindi ko na nga kayang mahalin ang anak niya pabalik, tapos late pa ako. ‘’Mama, alis na po ako ha? Minnie, ikaw na ang bahala kay Mama, ah? Babalik na lang ako mamaya,’’ sabi ko. ‘’Ingat ka, anak. Hindi ka ba kakain muna? Ang aga pa naman, ah. Kain ka muna,’’ yaya sa akin ni Mama. ‘’Hindi na po, Mama. May oras po kasi ang usapan nami

