Ellion Jase Nagising na lang ako dahil kay Kathrina. Nagkagulatan pa kami dahil hindi ko namalayan na hawak ko pala ang kamay niya. Naku, baka kung ano na naman ang isipin niya. Sa totoo lang, na-pressure ako sa mga kwinento sa akin ni Tito kanina. Para bang son-in law na niya ako kung kausapin. Hindi na lang ako kumibo kasi ayaw ko nang gulo. Isa pa, nakakahiyang kumontra kay Tito. ’Oh, gising ka na pala. Naku, pasensya ka na sa akin kung pati ako ay nakatulog ah? Kanina ka pa ba gising? Ano? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Patingin nga,’’ sabi ko pagkatapos ay nilapat yung kamay ko sa leeg at noo niya. ’Good, mukhang mas okay ka na nga ngayon. Wala na ang lagnat mo eh, pero huwag ka na munang pumasok bukas ah? Bawal pa, baka mabinat ka eh, ayaw ko naman noon. Ayaw mo rin naman siguro, n

