Benedict Ilang linggo na rin ang nakaraan simula noong huli kaming nag-usap ni Aurora. Nagising ako ngayon sa tawag niya. Noong una, ayaw ko sanang sagutin kaso miss na miss ko na rin kasi siya. Isa pa, baka makipag-balikan at makipag-usap na siya sa akin. Sayang naman kung hindi ko gagawin, di ba? ‘’Hello. Good morning. Napatawag ka yata? Anong meron?’’ tanong ko sa kanya. Kahit na hindi pa siya sumasagot sa tanong ko ay kinikilig na ako. Hindi ko akalain na darating ako sa pagkakataon na ito na maririnig ko ulit ang boses niya. Akala ko noon, hindi na ito mangyayari eh. Sana tuloy-tuloy na ito. ‘’A-Ah, good morning. Gusto ko sanang itanong kung pwede ka mamayang hapon? Busy ka ba?’’ she asked me. ‘’A-Ah, medyo busy ako-‘’ hindi pa ako tapos na magsalita ay sumagot agad siya sa akin.

