Aurora Feliz Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Jhulia ay nakita kong hirap na hirap na siya. Agad namin siyang tinulungan ni Patricia. Nagulat na lang ako nang makita ko na pati si Ellion ay natulong na rin sa amin. Ano ba ito? Hindi ba siya titigil sa kakasunod sa akin? Nalayo na nga ako, panay naman ang lapit niya. ‘’Okay na, kami na lang ni Patricia ang bahala kay Jhulia. Uminom ka na lang. Salamat,’’ sabi ko. ’Hindi niyo kaya ito. I mean, mas okay kung tulungan kayo ng lalaki kasi mas maihihiga nating mabuti si Jhulia. Kahit ito lang, hayaan mo akong gawin. Gusto ko lang namang tumulong,’’ sagot naman niya sa akin. Well, yeah. Natulong nga siya pero ayaw ko sa presensiya niya. Hay, naku! Kung pwede lang mang-away sa harap ng maraming tao ay ginawa ko na. Bakit pa kasi bumalik ang is

