Kathrina Aaminin ko naman sa aking sarili na nagugustuhan ko na si Ellion kahit paano. Paano mo naman hindi magugustuhan ang lalaking iyon eh napaka-bait niya? Iyon nga lang, ramdam ko naman na mahal pa rin niya ang ex-girlfriend niya kahit hindi niya sabihin ng deretso sa akin, e. Hindi naman ako nasasaktan, naiinis lang ako sa tuwing iyon pa rin ang usapan kahit na kasama na niya ako lagi. Isa din naman sa mga dahilan kung bakit siya ang napili kong makasama sa Manila ay para makilala ko pa siya ng lubusan at para na rin makilala ko ang babaeng mahal na mahal pa rin niya. Akala ko nga, hindi siya papayag sa gusto ko eh. Buti ay nagawan ko naman ng paraan. Noong araw na iyon, ramdam ko na may takot siyang umuwi sa Manila. Talagang pinilit na lang niya na sumama sa akin dahil wala naman

