Aurora Feliz Dahil na-feel ko na I have to talk to Benedict ay niyaya ko siyang lumabas after office. I’m glad na kahit nasaktan siya sa mga sinabi ko noong isang gabi ay hinatid at sinundo pa rin niya ako sa bahay at sa office. ‘’Babe, kita tayo mamaya ha? May gusto lang sana akong sabihin sa iyo. Dyan lang naman sa coffee shop near the office. Ayos lang ba?’’ I told him. ‘’Yeah, sure. Tungkol ba saan?’’ tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay seryosong-seryoso siya sa tanong niya. Mainit pa rin yata ang ulo niya dahil sa nangyari sa amin noong isang gabi. Hindi kasi siya masaya kapag nagsasabi ako ng I love you sa kanya. Nasagot naman siya pero parang napaka-plain lang ng lahat for him. ‘’Ah, basta. Mag-usap na lang tayo mamaya. Papasok na ako sa office. Ingat ka sa work mo, I love yo

