Ellion Jase Huling araw ko na ito sa Manila. Bukas ay uuwi na kami ni Kathrina kaya naman nagpaalam ako sa kanya na kung pwede mamayang gabi ay mag-iinom ako kasama ang mga tropa ko. Sina Jonas, Jairus at Leo. Masaya naman ako dahil pumayag siya sa sinabi ko. Sa umaga kasi ay may client siyang kakausapin kaya sinabi niya sa akin na gabi ko na lang i-schedule yung akin. Pumayag naman ako. ‘’Wala kayong girls na kasama? Sasama sana ako eh,’’ biglang sabi niya sa akin. ‘’Naku, sinabihan ko na sila na huwag nilang isasama mga girlfriends nila. Lalo na si Jhulia. Naku po, ang ingay noon, e.’’ Natawa naman siya. Siguro ay naalala niya na ang pakikipag-usap kay Jhulia. Grabe din kasi ang bibig noon pagdating sa kwentuhan. Walang tigil, e. buti nga at hindi napapagod si Jairus sa babaeng iyon.

