Ellion Jase Ano ba namang mga kaibigan ito? Hindi ko tuloy alam kung tama ba na nagpatulong ako sa mga ito eh. Mas mabuti pa yata na nag-taxi na lang ako pauwi sa amin, eh di sana tapos na ang problema ko at nakapagpahinga na rin sana ako. Habang nag-uusap kaming tatlo ay bahagya kong tiningnan si Maricar, masasabi kong tama naman ang mga kaibigan ko, maganda nga siya. ‘’Mga siraulo. Ano na naman bang pinagsasabi ninyo? Puro kayo pambababae eh kaya nag-aaway kayo ng mga girlfriend ninyo. Tara na nga, gusto ko na umuwi at magpahinga. Okay?’’ sabi ko sa kanila. ‘’Ha? Uuwi ka na? Paano naman si ganda? Gabi na, baka mapaano pa iyan sa daan. Isabay na natin pauwi,’’ sabi ni Jairus sa akin. ‘’Oo nga, baka mabastos iyan sa daan. Konsensya pa natin kapag may nangyari dyan. Mamaya, baka mabalit

