Ellion Jase Ang sakit ng buong katawan at mukha ko. Nagising ang buong kaluluwa ko nang natanggap ko ang mga suntok noong lalaking iyon. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nagtulak sa akin para gawin iyon. Siguro ay stress at frustration na sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Akala ko nga kanina, katapusan ko na. Well, ayos lang naman sa akin. At least, kahit sa huling oras ng buhay ko eh pinili ko pa rin na tumulong sa kapwa ko. Ngayon ay katatapos lang namin na magpa-blotter sa police station. Ni hindi ko na alam kung paano ako uuwi. Basag na nga ang mukha ko, bangag pa ako. Hay, naku. Ano bang meron sa babaeng iyon na napapayag niya akong sirain ko ang mukha na ito para maligtas siya? Agad kong kinapa ang bulsa sa likod ng pants ko para kunin ang cellphone ko. Tinawagan ko si Jairus

