Ellion Jase Simula noong makita ko siya sa café eh tinanong ko na agad kay Jairus na alamin ang bagong bahay niya. Noong nalaman ko, araw-araw ko siyang tinitingnan sa work place niya at sa bahay. Buti na lang at tinted ang car ko kaya naman hindi niya pansin na ako ang nasa loob ng kotse na lagi niyang nakikita. “Ano? Inlove ka na ulit? Iniwan mo ah, tapos ngayon susundan mo kahit saan pumunta?” sabi ni Jairus sa akin. Sinamahan niya ako dahil ihahatid ko rin siya sa bahay niya ngayon. Noong una ay ayaw niyang ibigay sa akin ang address kung saan nakatira si Aurie pero napilit ko rin naman kinalaunan. “Gusto mo bang makauwi sa inyo? Bakit ka ba nangingialam? Tinitingnan ko lang naman siya, hindi ko naman na babalikan,” sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa window ng kotse ko. Is

