Aurora Feliz Nang makita ko siya ay nanlamig ang katawan ko bigla. Siya ba talaga ang nakita ko? Para makasigurado ay nilakasan ko ang boses ko, paalis na kasi siya noong mga oras na iyon. “Ellion? Ikaw nga ba ‘yan?” Napatigil siya, hudyat na siya nga iyong nakita ko. Lalo tuloy lumakas ang kabog sa dibdib ko. Bakit mo pa kasi siya tinawag, Aurie? “Ikaw nga! Kumusta ka na?” sinubukan ko namang hindi ipahalata na kabado ako. “Hey, ikaw pala. Hinanap ko pa ang tumawag sa akin, hindi kasi ako nakasalamin ngayon eh. Kumusta ka na?” sabi niya, ngumiti siya sa akin. Umupo siya sa harapan ko, magtatagal pa siya? Ano naman ang sasabihin ko sa kanya kung sakali? Naku naman, huwag sana akong madulas! “Okay lang ako. K-kailan ka pa umuwi? Hindi ko nalaman ‘yon ah.” Tanga ka rin minsan, Auri

