Benedict Dahil nakainom na si Aurora ay nagpasundo na siya sa akin. Pagdating ko roon ay nakahiga na siya sa sala. Parang tulog na yata. Si Patricia naman ay medyo okay na ang pakiramdam. Sabi naman niya sa akin ay kanina pa daw sila tapos at lasing na lasing na daw talaga si Aurora kaya tinawagan niya na ako. ‘’Oh, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ah? Hindi ko rin alam kung bakit nag-inom iyan eh. May problema ba kayo?’’ tanong niya sa akin. ‘’Wala naman, sa pagkakaalala ko. Pero salamat at ako ang tinawagan mo para ihatid siya sa kanila. Ako na ang bahala,’’ sabi ko naman kay Patricia. ‘’Ah, oo naman. Kung si Tita kasi ang tatawagan ko eh magagalit iyon sa amin ni Aurora. Mas okay na ikaw na ang magdala sa kanya kay Tita, baka sayo ay di magalit iyon eh,’’ sabi naman sa akin ni Patr

