Ellion Jase Well, tutulungan ko rin naman siya sa huli pero kailangan ay matuto din siya na hindi sa lahat ng bagay ay tutulungan ko siya with open arms. Para na siyang bata eh. Kailangan na rin naman niyang matuto na mag-solve ng problem on his own. ‘’Pare, sayang naman ang punta ko rito. Sige na, tulungan mo na ako. Promise, hindi na mauulit. Hindi ko na babanggitin pa ang pangalan ng ex-girlfriend mo kapag nag-uusap tayo,’’ sabi pa niya sa akin, natatawa na lang ako deep inside eh. ‘’O, siya. Huli na itong tulong ko sa iyo ah? Sa susunod na magkaroon ka ulit ng problema mo, ikaw na dapat ang mag-solusyon. Aba, matanda na tayo pare. Hindi na dapat ako nakikigulo pa sa mga problema mo. Hanggang payo na lang ako sa susunod pero yung mga plano, ikaw na iyon ha?’’ sabi ko sa kanya. ‘’Oo

