Ellion Jase Pinahinga ko na lang ang isip ko at nag-drive pa-uwi. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa akin kapag nag-isip ako nang nag-isip sa mga bagay na iyon. Nang malapit na ako sa bahay ko ay nagulat na lang ako dahil may kotse sa harapan ng bahay ko. Dali-dali akong pumunta roon para i-check kung sino iyon. mas nagulat ako nang ma-realize ko na pamilyar yung kotse. Kay Jairus ito. Pero na-realize ko rin at natanong ang sarili ko, bakit naman pupunta si Jairus dito eh napakalayo nito sa Manila? Pinikit ko ang mga mata ko kasi baka hindi totoo itong nakikita ko pero noong binuksan ko ulit ito ay nakita ko pa rin ang kotse ng kaibigan ko. Na-confirm ko pa ito lalo noong bumaba siya sa kotse niya. Mukhang kanina pa ako hinihintay nito. Bumaba na rin ako ng kotse ko at pinatay ang mak

