Benedict Since then, inom na ako nang inom. Wala na akong pake sa paligid ko. Hindi na rin kasi ako kinausap ni Aurora pagkatapos noon. Alam kong hindi ako sanay sa pag-inom pero dahil sa herat break ko kay Aurora ay nagawa ko ito. Habang ako ay busy na mag-inom, may nakita akong pamilyar na mukha sa di kalayuan. Hindi ko pa siya pinapansin noong una pero tinawag niya ako sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya maigi. ‘’Oh, Benedict. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba papagalitan ni Aurora dahil nandito ka?’’ bati at tanong niya sa akin. Wow. Ang lakas ng loob mong itanong sa akin iyan. Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nag-iinom ngayon. Dahil sa iyo, kahit nag-uumpisa pa lang kami pero mukhang maagang matatapos dahil lagi ka naming pinag-aawayan. Ay teka, ba

