Aurora Feliz Nakadaan na ang ilang araw simula noong sinabi sa akin ni benedict na may hinalikan siyang babae. Simula noon, wala na akong tigil sa kakaisip kung bakit niya ginawa iyon. Iyak ako nang iyak kay Patricia dahil hindi pa rin kami okay ni Jhulia. ‘’Oh, umayos ka ng upo mo. Hindi naman pwedeng ganyan ka na lang palagi. Ano ka ba? Lalaki lang iyan. Kung niloko ka niya, eh di hindi siya para sa iyo. Iyon na iyon,’’ sabi ni Patrica sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit galit na galit si Patricia kay Benedict. Syempre, niloko ako noong tao kaya ayaw talaga ni Patricia sa kanya. Kaso lang, ako itong tanga na gusto pang ayusin ang mga bagay-bagay sa amin. Hindi ko lang paano pero gusto ko pa rin ayusin. Bakit? Bago pa lang kasi kami, ayaw ko naman na mawala na lang iyon dahil sa

