Aurora Feliz September 22. This is the day that I said yes to him. Sobrang haba na ng paghihintay niya sa akin. Actually, hindi ko na nga inakala na darating sa point na mahihintay pa niya ako eh. Sino ba naman kasi ako di ba? I mean, ang dami namang babae dyan. Bakit siya nagtitiis sa akin? Aminado naman ako na naiisip ko pa rin si Ellion kung minsan pero aaminin ko rin na iba na nga ang nararamdaman ko kay Benedict. Tinawagan ko siya dahil birthday ni Mommy. Day off ko rin naman so ayos na ayos talaga ang araw na ito para sa akin. Hindi ko nga lang alam kung okay sa kanya, hindi ko kasi ugali yung magtatanong ako sa kanya ng schedule niya eh. Hindi pa naman kasi niya ako girlfriend, so wala pa akong karapatan sa bagay na iyon. Di ba? “Hello. Good day! Ay, masyado yata akong formal nga

