Ellion Jase Ilang araw na rin ang lumipas. Masaya naming kinikilala ni Kathrina ang isa’t isa. Although, aminado naman ako na naiisip ko pa rin minsan si Aurora pero hindi ko rin ide-deny naI’m happy with the time I’m spending with Kathrina. While we are eating, she asked me. Ngayon kasi ay nagkayayaan na naman kami na kumain sa labas. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung tanong niyang iyon. Basta, tinanong na lang niya, e. Nagulat din ako pero kinalma ko lang ang sarili ko. Dahil ayaw ko noong tanong niya, e. “Ellion, pupunta ka ba ulit sa Manila? Kasi, may aasikasuhin ako roon and I want you to be with me. Kung okay lang sa iyo at wala kang ginagawa dito sa Mindoro,” sabi niya sa akin. Kasalanan ko ito eh. Hindi kasi ako pala-kwento sa kanya kaya hindi niya alam na kapag pumunta k

