- Raven Sky Zalvarez's POV - Hayyy... Hindi na talaga ako makatulog. Umayos naman ako ng upo tsaka tinignan si Caleb at Dustin na natutulog. Nasa Block A's Mansion na kami ulit at Thursday na ngayon. Bukas na yung pageant night pero hindi naman yun yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Noong Sunday ng gabi kasi dumeretsyo ako ng bahay. Matagal tagal na din kasi nung huli akong nakauwi tapos di na ko pumasok ng Monday. Ang magulo lang eh ang daming tanong sa utak ko ngayon dahil sa nangyari noong Monday. Flashback... Ilang beses na kong nagdodoorbell pero wala pa ding nagbubukas. Triny ko ulit... Ding dong... Maya maya binuksan ni Manang Lita yung pinto. Mukha siyang tarantang taranta na di ko maintindihan. " Ma'am Sky. Sakto ho... Ang Papa niyo po at Kuya niyo. " nagmamadal

