- Raven Sky Zalvarez's POV - " Mama... Mama... Gising " hinanap ko naman kung saan galing yung iyak. Nakita ko yung dalawang bata. Umiiyak sila... Teka... Ako yan ah, tapos si Rhain. Tinignan ko naman yung iniiyakan nila. Si Mama. Ano bang... " Mama... Wake up... Wahh sky. Anong nangyayari? Bakit ayaw gumising ni mama " tanong ni Rhain sa batang ako. Ano to? Panaginip? Wala naman ako nung araw na yun ah. Wala ako nung namatay si mama. Nasa party ako nun. " Rhain... wala na si mama " sabi ng batang ako na nakatitig kay mama. Lalo namang lumakas ang iyak ni Rhain at paulit-ulit na tinatawag si Mama. Lalapit sana ako kay mama ng may naramdaman akong umaalog sa mga balikat ko. --- " Oi tama na yang kakaalog mo Dash baka mabali yung buto niyan!" rinig kong sigaw ni Vlad. Oo boses ni V

