- Dashawn Alfonso Dela Vera's POV- " Hoy Alfonso tumulong ka nga!" sigaw sakin ni Dylan. Hahaha... Aba bahala siya, Sitting pogi ako dito eh. Alam niyo ba kung anong ginagawa nila? Tinuturuan nila Jeth, Wendell at Allen si Raven kung pano maglakad ng maayos. Yung pang beauty queen. Pffffttt... Natatae na ko kakatawa kay Jeth dahil kinakarir niya talaga kaya nagmumukha na siyang bading. Tinitigan ko naman si Raven. Grabe tong nerd na to may tinatagong ganda. Tsk... tsk...tsk... " Hoy Alfonso tumulong ka nga. Pagod na ko!!" sigaw naman ni Wendell. " Pwede ba wag niyo kong tawaging alfonso. Mukha ba kong Aso? Dash nalang o kaya handsome. Hahaha... Pwede ding pogi o kaya gwapo. Oh kaya... Aray!" Napatigil ako sa pagsasalita ng may tumamang libro sa mukha ko. 'How to be a Beauty Queen

