- Raven Sky Zalvarez's POV - Aissttt! Ayoko na nga. Binalibag ko yung gitara na kanina ko pa pinag-aaralan kung pano gamitin. Tsk! " Raveeeeen! Bakit mo binalibag? " tanong ni Wendell sakin na kakarating lang. " Wala. Gusto ko lang. " sabi ko tsaka sumandal sa sofa. Nakakaasar naman eh. Bakit kailangan pa ng talent? Ico-consider kaya na talent pag pinagbuhol buhol ko yung dila nila Dustin? " tsk. Pati yung nananahimik na gitara pinag-iinitan mo. Para saan ba? " tanong ni wendell. Inangat ko naman yung paa ko sa sofa. " Eh kasi ngayon na kailangang ipasa kung anong talent ang gagawin at sino ang mga kasama. At ang nakakainis... Wala akong talent" sabi ko. Nakakasar naman kasi eh. " Hahaha... May talent ka kaya. Ikaw lang ang may kakayahang pumangit ng di nageefort " sabi niya. Aba

