Overconfidence

1129 Words
Jade's Point of View  Medyo naninibago ako ng katabi ko pa rin si Ruben hanggang sa pangatlong subject. I was expecting na mag-e-excuse nanaman sya dahil meron daw syang gagawin pero it seems like he's taking the lessons seriously. Nakikinig sya!! Tsaka nagno-notes!! Oh my gahd, nakakapanibago talaga. "Can you quit staring at me like that? You're creeping me out." Sabi nya habang kumakain dahil recess na namin.     "Yung totoo, ikaw ba talaga yan Ruben?" Minata ko pa sya so that i can intimidate him, pero natawa lang sya.    "Ayusin mo nga hitsura mo, mukha kang mangkukulam na nakakita ng biktima nya." Pang-aasar nya.     "Ang ganda ko namang mangkukulam. Ikaw nga 'tong mukhang kapre, kulang na lang sayo sigarilyo tas nakatambay sa may puno." Balik ko sa kanya.    "Talaga? Bansot ka lang kasi." Aba! Okay ako sa panlalait nya sa hitsura ko pero pag height na ang usapan nagiging seryoso ako.    "Hoy 5"7 ako! Matangkad ako, kapre ka lang talaga!!" Hilig talaga akong asarin ng lalaki na 'to. Inirapan ko lang sya at tinanong sya ng maayos this time. "Pero seryoso, ikaw ba yan Ruben? Or espiritu ka ng kasipagan na sumapi sa katawan ni Ruben?"       "What the hell are you talking about!?" Mukhang naguguluhan na sya sa sinabi ko.    "I mean, nagugulat lang ako sa himalang nangyayari ngayong araw. I never saw you so serious in class! Nagulat din ako ng ma-perfect mo din ang seatwork kanina sa history eh mahilig ka magcutting sa sub na yon." Napangisi ang loko sa sinabi ko.    "Well, there are some things that you don't know about me." Aniya.    Napataas kilay ko. "Ah talaga? Sure ka? I grew up with you, paanong may mga bagay akong di malalaman tungkol sayo? I mean, i literally saw you n***d when we were kids! Alam na alam ko yung hitsura ng nunal sa pwe-- bigla nya namang tinakpan bibig ko.    Pulang-pula ang pagmumukha nya na tila ba nahihiya, wew! For the first time napahiya ko tong walangya na 'to. "Just shut you're mouth already, naiintindihan ko na ang pinupunto mo."    "Okay, so tell me! What happened to you?" I asked.    "I already told you last time diba? I said that i'm gonna take school serious from now on." The look on his face really says that he's serious about this.    Napangiti na lang ako sa sinabi nya. "Well that's good, nag-aalala na din ako sayo dahil pinapabayaan mo pag-aaral mo. And if you ever need help, i'll help you."    Parang di naman sya naniniwala sa sinabi ko. "O-Oy! Ba't ganyan ka makatingin!?" Bwisit na lalaki na 'to.    "I appreciate your offer, but i can accomplish anything without any help." Yabang talaga neto.    "Tch, whatever." Inirapan ko na lang sya ulit.    Pagbalik namin sa klase, medyo kinabahan ako ng matandaan ko ang next subject namin. At mas lalong lumala kaba ko ng mapatingin ako kay Ruben. "Uhh, Ruben?"    "Yeah?" He seemed so clueless on what's about to happen to him.    "You see, our math teacher have been looking for you for a long time since you always cut his classes and-- biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng classroom at pumasok na ang teacher na kinatatakutan ng lahat, and terror math teacher namin!!    Tumahimik ang buong klase ng makita sya ng lahat. Habang inaayos nya ang kaniyang gamit sa lamesa nya, titig na titig sya sa katabi-- si Ruben!! Nahuhulaan ko na ang gagawin ng teacher na 'to kay Ruben.    Ah sheeet! I don't know how to help Ruben on this one! Sana naman kayanin ni Ruben ito... sana lang!!    "I see that you finally attended my class Mister Chevalier." Aniya.    Lahat ng mata sa classroom napatitig kay Ruben, parang lahat kami naka-abang sa kung anong sasabihin nya. "Ah yes ma'am, and i just want to inform you that i'd like to take some of the remedial test to improve my grades."    "Isn't it arrogant of you to ask that? Binagsak na kita Chevalier. Maaari ka ng umalis sa klase ko." Damn, that's harsh.    "Really? Then i'll just contact my guardian to make adjustments so that you can give me my remedial tests. So if you'll excuse me, i'm gonna make a call." Pagkatayo ni Ruben ay sumagot ang teacher.    "Bagsak ka kung bagsak ka, wala kang magagawa Mister Chevalier. Kahit kontakin mo pa yang magulang or guardian mo, bagsak ka na talaga sa klase ko." Mukhang naha-high blood na si ma'am.    Parang nakakamatay yung kaba na nararamdaman ko para kay Ruben, hindi man ako yung nakikipagsagutan sa math teacher na 'to pero ako yung kinakabahan! Takte na yan, tapos si Ruben mukhang kalmadong kalmado.    "Are you sure about that? Sa pagkakaalam ko may mga naperfect akong quizes sayo dati. And meron din akong mga ipinasang quarterly exams. If you let me try to compute all that, maybe i'll have an average of 77 or 78. Passing grades yun diba? Then if you let me take the remedial tests then i can make it an 80."    Gusto kong suntukin si Ruben sa sobrang lakas ng loob nya pagsagot sa teacher namin. Nanlilisik na kasi ang mga mata ni ma'am, parang kakainin nya ng buhay si Ruben sa sobrang inis at galit nya sa loko na 'to.    "How can you be so sure that you'll get out of the line of 7? Sure ka bang mapeperfect mo yang remedial test eh hindi ka nga nag-aaral ng maayos sa subject ko!" And just like any terror teacher, binato nya ang eraser ng white board sa direksyon ni Ruben. Muntikan pa kong tamaan!    "Of course i can get out of that line of 7. Math is easy after all-- specifically easy to me. No offense." Parang naglaho ang pag-aalala ko sa kanya ng sabihin nya yon. Marami kayang na-offend!! Isa na din ako sa mga yon!    The teacher looked so pissed off but she smirked and gave Ruben a thick pile of paper. "Fine, if you're so confident then why not? Make sure na tapusin mo ang lahat ng yan after classes."    What the hell!? Andami non!! Imposible!!    At mas lalong di ako nakapaniwala ng makita kong confident na confident pa rin si Ruben. "Ah, thank you." Yun lang ang sinabi nya at bumalik na sa kaniyang upuan.   Nang mag-umpisa na ang math class, pasimpleng kinurot ko si Ruben sa kanyang tagiliran at ininda nya ito. "Ouch, what the heck Jade!?" Sigaw nyang pabulong.    Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Your confidence is so unbelievable! Tingin mo kaya mong tapusin yan in one day only?" Bulong ko sa kanya.    He smirked and looked so annoyingly arrogant. "I told you Jade, i can accomplish anything without any help. So stop worrying about me and start solving your own problems." Uuuugh! This guy really gets on my nerves.          to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD