Chapter 8

1191 Words
"But each one is tempted when he is drawn away his own desires and enticed. Then, when desire has conceived, it gives birth to sin; and sin, when it is full-grown, brings forth death.Do not be deceived, my beloved brethen." James 1:14-16 ~ Naglakbay ako pababa ng Mantalongon, papunta sa sentro kung saan ako bumaba ng bus noong Enero. Walang bahay sa patarik na bahagi kaya tahimik ang paglalakad ko pababa. Napansin ko ang ilang nakatumbang puno at mga nasirang taniman ng kamote. Nabulabog rin ang maisan sa dakong silangan. Anong nangyari dito? Binilisan ko ang lakad at tumakbo para mahabol ang hila ng grabitey. Huminga ako nang malalim. Ilang metro pa ang nilakad ko hanggang makita ko ang nagkalat na alambre sa daan papunta sa sentro. Mahaba ang hanay ng alambre at umabot iyon sa dulo, kung saan nagdurugtong ang bundok at patag. Para bang kinukulong ang buong Mantalongon dahil doon. Bumagal ang hakbang ko at napadapa ako nang may marinig akong putok ng baril. Nanggagaling iyon sa kanang dulo ng alambre. Pagapang akong lumapit sa isang pile ng gulong at tiningnan ang pinanggalingan ng putok. May nakita akong mga tao, hindi, mga sundalo at may kinakaladkad silang tao! Naningkit ang mga mata ko at tiningnang mabuti ang tao. Pamilyar ang gupit ng itim na buhok. Hindi ko maalala kung saan ko nakita basta kinutuban na ako. "A.I number 7, sir! Nakita sa dulo na nagmasid-masid!" sigaw ng lalaking nakahawak sa kanang kamay ng lalaking kinakaladkad. "Tent 5!" "Aye, sir!" Nagitla ako nang may marinig na naman akong putok sa pinanggalingan ng mga sundalo. "A.I. number 8, sir! Tumatakas!" "Shoot." "Aye, sir!" Nanlaki ang mga mata ko nang dire-diretsong bumunot ng baril ang sundalo at pinaputukan ang ulo ng lalaking nakaluhod. Nanlamig ako nang humalik sa lupa ang mukha ng lalaki at walang awang hinila ng sundalo ang paa nito pabalik sa pinanggalingan. Kinagat ko ang labi at mas minabuti ang pagtatago. "Team Omega!" "Sir!" "Raid area B!" "Aye, Sir!" Sumaludo ang mga sundalo, sabay-sabay na tumalikod, at nagmartsa pabalik sa dulo ng alambre. Dahan-dahan akong sumilip sa gilid ng pahigang naka-pile up na gulong at nakita ko ang chief na nakatalikod. Naglakad ito palayo, pabalik sa mga tent na nakahanay ilang metro mula sa malalaking alambreng nagkukulong sa Mantalongon. Nang masiguro kong wala nang mga sundalo sa paligid, dahan-dahan akong tumayo at mabilis na tinahak ang daan pabalik. Tumakbo ako pataas sa Mantalongon at kahit na bumuhos na ang pawis ay hindi ako huminto sa pagtakbo. Sa parang, sa may talahiban ako huminto. Napaluhod ako at napatingala sa kahel na kalangitan. Hapon na. May narinig akong pagaspas kaya pinuwersa ko ang sariling tumayo at muling tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nakita ko na lang ang sariling tinatahak ang daan paliko sa sementeryo at papasok sa sikretong daan na tinahak ni Gukyo. Halos wala na akong makita sa daan dahil sa dilim ng paligid. Mataas ang talahib at ramdam ko ang paghiwa niyon sa balat ko sa braso pero wala akong maramdamang sakit. Hingal akong napaluhod sa hangganan ng talahiban at napahawak sa malambot na lupa. Ayos lang, ayos na. Nakatakas na ako. Huminga ako nang malalim. Maya-maya pa'y napatingala ako nang may ilang ilaw akong napansin sa harapan. Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong hukbo ng sundalo ang kalalakihang nagmamartsa papalapit sa puwesto ko. Kagat labi akong tumayo at akmang tatalikod para tumakbo pabalik pero isang hakbang pa lang ay napaluhod na ako sa pagod. Unti-unti ko nang naramdaman ang hapdi ng sugat at panginginig ng tuhod at kalamnan ko. Napaungol ako sa sakit. Tumingala ako at tuluyang pumikit sa pagod. Naramdaman ko ang paglapat ng mukha ko sa lupa. TUNOG ng pinagdidikit na metal ang gumising sa diwa ko at nakakabulabog na katok naman ang tuluyang nagpamulat sa akin. Unang tumambad sa akin ang kulay abong kisame. "Chief, naayos na ang gripo. Nakarga na rin sa trak ang armas. Didiretso na ang Beta sa Area C." "Good. Magpahinga na kayo. Maaga pa ang trabaho niyo bukas." "Aye, chief." Dumiretso ako ng upo at napatingin sa nakatalikod na lalaki. May pinupukpok siya at maya-maya'y pinagdidikit na kung ano. Dahan-dahan akong tumayo at akmang tatakbo papalapit sa pinto nang mapasigaw ako sa biglaan niyang pag-ikot at pagtutok ng baril sa ulo ko. "Taas ang kamay," utos niya. Agaran ko siyang sinunod at kagat-labing nag-iwas ng tingin. "Pangalan?" tanong niya. Napalunok ako at piniling manahimik. Narinig ko ang pagtunog ng dila niya at paghakbang palapit sa akin. Umikot siya sa likod ko at tumayo roon. Kinuyom ko ang nakataas na kamao. "Anong pangalan mo?" bulong niya sa tainga ko. Nanlamig ako nang hinipan niya ang pandinig ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at naging alerto. "A-Ange." "Ange. 'Yan ba ang pangalan mo... Angela?" Napasinghap ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Tumalikod ako para harapin siya pero mabilis niyang hinuli ang baywang ko at pinaikot pabalik sa posisyon ko kanina. "Not so fast, Ange." Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkapulupot ng braso niya sa baywang ko. "Sino ka? Sino kayo? Bitiwan mo ako!" sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ko nang tinakpan ng malaki niyang kamay ang bibig ko. "Shh... maraming nagpapahinga sa labas. Baka mabulabog mo." "Hmm! Ammp!" Naramdaman ko ang pag-iling niya at pagbuhat niya sa akin. Sumigaw ako pero mabilis niyang tinakpan ng kamay ang bibig ko at pinahiga ulit sa higaan. Nanlaki ang mga mata ko nang kinubawan niya ako. Mas pinagbuti ko ang pagpupumiglas. "Ammp! Hmmmp!" "Shh..." Pinagsasampal ko siya at kinakalmot pero malakas siya. Napaigik ako nang sinuntok niya ko sa tiyan. May luhang naglandas sa gilid ng mata ko at napatingala ako. Hinabol ko ang hininga dahil sa kirot. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya at nakakakiliting mainit na hininga sa leeg ko. Ang mas masaklap, unti-unting nabubuhay ang apoy sa kaloob-looban ko. Nanghihina na ang kamay kong kumakalmot sa balat niya. Hindi ito maganda. Pumikit ako at bumulong. "The Lord is with me." Bumilis ang t***k ng puso ko. Nagmulat ako at parang sa isang iglap, nawala ang ningas ng apoy. Na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig na siyang gumising sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa lalaking patuloy sa ginagawa niya. Doon ko lang napagtantong hawak na ng mga kamay ko ang kayumangging buhok niya. At bago pa man niya masira ang butones ng damit ko ay mabilis ko siyang tinulak. Nahigit ko ang hininga nang lumipad siya at pasalampak na napahiga sa sahig. Narinig ko ang ungol niya sa sakit. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. Alam ko... naramdaman ko Siya. Naghabol na naman ako ng hininga at mabilis na tumayo. Tumakbo ako papunta sa pinto at hindi pa man ako nakakalapit ay bumukas iyon. Tumambad sa akin ang lalaking isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito. Ganoon pa rin ang ayos ng buhok niya at pansin kong mas tumapang ang mukha niya. Nang makita niya ako ay gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Biglang lumambot ang itsurang kanina lang ay parang handang lumusob sa isang giyera. "Angela?" Napalunok ako. Natood sa kinatatayuan. "G-Gukyo?" Ngumiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD