15

1268 Words
"Hayaan mona 'kong umuwi kila mama, Uno." pamimilit ko kay Uno. Halos isang buwan na akong nasa condo n'ya, maayos narin ang lagay ng katawan ko, likod ko ay mag kaunting sugat pa pero hindi na kagaya ng dati na sariwa at maga. "Why? My condo is better than your parents house. I'm sure na may reason ka kaya mas gusto mo roon. Tell me bakit gusto mo kila Tita?" seryosong aniya nito habang naka-upo sa sofa at nanonood ng TV. "Okie! May kailangan akong alamin and don't worry once na alam kong delikado sayo ako lalapit!" pasigaw na aniya ko kaya naman lumingon ito sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "Tanginang mga mission 'yan napapahamak ka, Sunflower. Hindi na'ko natutuwa." sabay igting ng panga nito kaya Napa-lunok ako. Bakit ba kasi parang pinaparamdam n'ya naman ngayon akala mo ay may pake s'ya sakain. Tangina naman, gusto kong imiwas pero, tanginang kapokpokan naman. "Ayoko. Dito kalang, ako na ang bahala sa mission mo kay Tita. I can ask for help kay Chantria." sabay hila nito sa'kin dahilan para mapa-upo sa kandungan nya. Padabog akong umalis sa kanyang kandungan at sinamaan s'ya ng tingin. "Uno, ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan." naiinis kong wika pero hinila lang ako nito pabalik sa kanyang kandungan. Siniil ako nito ng halik at dahil sa pagka-bigla ko ay pinilit ko syang itulak pero masyadong mahigpit ang yakap nya sa'kin hanggang sa hindi na ako tumutol at sinabayan kona rin ang banayad nitong pag-halik sa'kin. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at sinabayan ang galaw ng kanyang labi hanggang sa maramdaman ko ang pag-pasok ng kanyang dila sa loob ng aking bibig na nag-paungol sa'kin. "Hmmm.." ungol ko ng pisilin ni Uno ang bewang ko hanggang sa unti-unti na n'yang mahuhubad ang damit ko. "Putangina! Porn!" sigaw mula sa likod namin kaya naman agad na putol ang halikan namin at sumubsob ako sa dibdib ni Uno. "Putangina mo! Alam kong si Sais ka kaya ngayon palang mag-tago kana sa saya ni Mama! Tangina mo nabitin ako dahil sayo!" sigaw ni Uno hanggang sa marinig ko ang pag-sara ng pinto kaya sumilip ako at hindi ko nakita sila Sais kaya naman pinalo ko sa braso si Uno at tumakbo ako papasok sa kwarto at narinig ko ang tawa nito. Tumawa si Uno at sa unang pag-kakataon ay narinig ko ang tawa nya. Napailing ako sa iniisip ko hanggang sa hindi ko na namalayan na naka-hawak ako sa labi ko at dama ko parin ang labi nya sa labi ko. "s**t! Mali yun hindi ako pwedeng maging marupok!" sigaw ko sa sarili ko saka dumapa sa kama. Narinig ko ang pag-bukas ng pinto sa kwarto pero nanatili parin ako sa position ko sa kamay hanggang sa maramdaman ko ang pag-lubog ng kama sa gilid ko. "Tuloy na natin, Honey." aniya nito sabay yakap sakin. Mabilis ako gumalaw at tinignan sya ng masama. "Lintek ka, Uno! Ayoko na nga sayo eh tapos mang-hahalik ka dyan! Uuwi na 'ko sa bahay nila Mama. Ayoko talagang makita ang mukha mo kasi naiinis ako pag-naalala ko yung mga ginawa mo sa' kin!" sigaw ko sa kanya at nakita ko ang pag-bago ng expression ng mukha na mula sa kaninang naka-ngiti ngayon ay naging malamig. " Can I explain? " tanong nito at lumambot ang expression sa kanyang mukha. "Amm.. Pwedeng sa susunod nalang? 'wag muna ngayon kasi hindi pa'ko handang marinig ihh. Parang sariwa parin lahat ng mga nangyari sa' kin nung time na mahal na mahal kita." "H-hindi mona ako m-mahal?" utal na tanong nito kita ko ang kaba sa kanyang mukha at ramdam ko iyom ng tutigan ko ang kanyang mga mata habang hinihintay ang sagot ko sa tanong nya. "Uno, hindi naman ganon kadali na mawawala agad yung love, pero kasi nasa healing stage na ako kung saan gusto ko munang buoin yung sarili ko. Marami pa 'kong hindi alam na gusto kong malaman. Marami pa' kong dapat unahin kesa mag-habol sayo. Yun lahat yung mga bagay na napag-tanto ko noong araw na tinaboy mo ako sa kaarawan mo." paliwanag ko sa kanya saka ako yumuko. "Hindi ko naman talaga gustong sabihin lahat ng yon sayo---" "Pero sinabi mo. Tinaboy mo ako. Naalala moba nung high school ako first time natin mag-kita noon ako yung una mong nakilala bago si Ate, sa'kin ka nangako na kapag nawala 'ko sa paningin mo hahanapin mo ako. Sa' kin ka nangako pero sa iba mo tinupad! Ang layo ko kay ate Rose pero s'ya yung inakala mong first love mo, wala ka namamg amnesia o sadyang gago kalang talaga? Naiinis ako sayo kasi ako yung una mong nakilala bago si Ate pero sa kanya mo lahat tinupad lahat ng pangako na sakain mo binitawan." naiiyak kong wika at akmang lalapit si Uno sa'kin pero iniwan ko ang kamay nito at umiling. "Ilang beses mo 'kong inimbitahan sa birthday mo at ilang beses korin na sinubukan na ibigay yung regalong matagal konang gustong ibigay sayo, ano bawat bagong taon sa buhay mo ay s'ya ring pag-tanggi mo sa regalo ko, palagi mo nalamg akong sinasaktan,Uno. Ilang beses kong sinubukan pero ilang beses mo rin na inayawan, kesyo si Ate yung mahal mo, layuan kita kasi ikakasal na kayo, iwasan kita kasi buntis si ate, Si ate yung gusto mo kaya itigil ko ang kahibangan ko." sige ang tulo ng luha ko savking mga mata. "Kelan ba naging kahibangan ang mag-mahal? Lahat kayo puro si Ate yung pinipili, si mama... si papa palaging si Ate ang bukang bibig. Si Ate ang magaling, si Ate ang perfect, paano namna ako? kahit ikaw na first love ko si Ate parin yung gusto! Nawala si Ate pero pakiramdam ko ako yung nawala, kasi sila mama at papa ako yung sinisisi kahit wala naman akong matandaang maling hinawa ko, tapos sinubukan kong iparamdam at ipakita sayo na gusto kita pero lagi akong nakikipag-kompitensya sa patay! Ang unfair n'yong lahat." dagdag ko habang umiiyak at pagod na pagod. " Nakaka-pagod kayong intindihin. Sinisubukan kong pagalingin yung sarili ko, dahil sa mga sakit na binigay pakiramdam kk mauubos na akk, tapos heto ka ngayon mag-papakita ng motibo na parang gusto mo ako, na mahal mo ako! Putangina n'yo! Tigilan n'yo na ang pag-lalaro sa nararamdaman ko. Ayoko na, kaya please... hayaan n'yo na muna akong mamuhay ng mag-isa, bigyan n'yo naman ako ng karapatang sumaya. Hayaan n'yo muna akong pagalingin ang sarili ko." pahina ng pahina ang boses ko habang umiiyak at pumipiyok na ang boses. " I'm sorry. I'll promise hahayaan kita. Bibigyan kita ng space hanggang sa maging ayos na ang lahat at kapag maayos na saka ako mag-papakita sayo pero hindi ibig sabihin na hahayaan kita ay hindi na kita babantayan. Hayaan mo akong bantayan ang kaligtasan mo, Sunflower, kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag napa-hamak ka. " aniya nito at wala na akong nagawa kundi ang tumango saka ako bumalik sa pag-kakahiga sa kama at tinalikuran si Uno. " Take a rest. Aayusin kona ang mga gamit mo, bukas na bukas ihahatid kita kila Tita. " aniya nito saka ko naramdaman ang banayad na halik nito sa'king buhok saka ako iniwan sa loob ng kwarto na umiiyak. Hindi ko alam pero ang tapang-tapang ko kanina kasi sa tagal ng panahon natuto akong unti-unting sabihin yung mga sakit na nararamdaman ko. Palagi akong nasasanay na kinikimkim at walang pinag-sasabihan kahit alam kong ramdam ng mga taong naka-paligid sa'kin na hindi ako maayos. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako. _strwbrgirl ***** Uno or Fourth?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD