"Carnation, pwede bang mag bake ka ng 1 mango cake, 2 red velvet, 3 black forest and 6 boxes of cupcakes?" tanong ko rito habang naka-dapa ako sa kama n'ya at s'ya naman ay nag ce-cellphone lang.
"Bumili kana lang sa bake shop ko!" sigaw nito.
"Ihhhh.. Mas masarap ka mag bake kumpara sa mga bakers mo ihhh." sabi ko saka ito niyakap.
Sanay naman sila sa'king malambing ako kaya normal na sa kanila kapag niyayakap or sometimes I them in cheeks.
"In one condition." naka smirk na wika nito kaya tinaasan ko ng kilay.
"Sasama kami sa party!" sabay sabay na sigaw mula sa'king lukuran at nakita ko sila Tulipian, Freesia, Lily at Hyacinth na nakasilip sa pinto at kanina pa yata nakikinig sa usapan namin ni Carnation.
Napanguso ako ng sabay-sabay silang pumasok sa kwarto at niyakap kaming dalawa ni Carantion.
"Hindi naman party 'yun. Small gathering lang with families and friends daw." sabi ko na kinanguso nila.
"sige na. Sama mo kami promise magdadala kami ng gifts para sa kanila saka alam ko kilala naman si Freesia nung isa may birthday ihh." sabi ni Lily.
"Sige na sasama kona kayo pero yung cakes and cupcakes, Carnation huh." paalala ko.
Tumango naman ito. "Tumayo na kayo dyan para makapag-bake na ako. Saka puminta kayo ng mall para sa regalo na ibibigay natin and please wag kayong kuripot!"
"Of course bibili kami ng mga expensive na pang-regalo tutal free foods tayo tonight ihh." sabi ni tulipian sabay kain ng kanyang gummy bears.
Tumayo na kami at limabas ng kwarto no Carnation. Abala sila Tulipian kung anong birthday gift ang ibibigay nila sa anim habanga ko ay pinason sa kwarto dala ang mga gift wrapper na nakuha ko sa bodega kanina.
Kinuha ko ang isang paint na hindi namna kalakihan sakto lang. Larawan iyon ng isang lalaki na walang mukha dahil never ko naman syang nakitaan ng reaction sa mukha nya.
Naka-ngiti kong binabalot iyon ng isang gift wrapper na may pag-iingat upang hindi masira dahil matagal nafin ang painting na ito. Almost 3 months kong pinints to at everytime na gagawin koto sya palagi ang nasa-isip ko.
Nang matapos kong balutan ang mga paintings na regalo ko sa anim ay lumabas na'ko ng kwarto at kita ko ang iilang gift wrappers na naka-kalat sa sahig.
"Bakit ballpen yang binabalot mo?" tanong ko kay Freesia.
"Kasi teacher ang bibigyan ko nito?" tila hindi siguradong sagot ni Freesia.
"Don't tell me 7 pesos lang yan?" tanong ni Lily.
Sinamaan sya ng tingin ni Freesia. "30k ang halaga nito dahil customize ang ballpen nato at may printed name pa ni Fifth." sabi nito kaya napa nga-nga kami pare-pareho.
"akin nga necktue lang ihh." sabi ni tulip.
"Kanino mo ibibigay?" tanong ko.
"Si Uno cheap necktie lang ang bigay ko 10k lang 'to tapos yung kay Dos ahmm... Floral necktie 50k lang naman then the rest necktie parin pero 10k lang ang price." sabi nito.
"For real si Dos ang may mahal?" tanong ni Lily.
Tumango si Tulipian "Syempre alangaan namang si Uno edi nag selos si Sunflower." sagot nito na kina-iling kona lang.
"Kami ni Lily saka Carnation perfume and shoes lang ang binili namin and almost same lang ang mga binili namin dahil kambal naman sila." aniya ni Hyacinth na kina-tango namna namin.
Habang busy sila sa pag-babalot ay pumunta ako sa kusina kung saan nag b-bake si Carnation. Kita kong seryoso sya sa kanyang ginagawa kaya naman umupo nalang ako sa counter chair para hindi sya maistorbo saka ko inopen ang phone ko.
From: Quattro Garapata
Do you want me to pick you up later?
To: Quattro Garapata
Nahh.. I'm with my friends. Ayos lang ba na isama ko sila dyan?
From: Quattro Garapata
Of course. Don't pressure yourself abouth gifts kahit ano tatanggapin namin! 🤭
To: Quattro Garapata
Asa ka namang may regalo akong ibibigya sayo.
After ko isend ang message kay Fourth ay binuksan ko naman ang IG at sunod sunod ang notif na message rito isa na ro'n ang message na naman ni Anonymous123.
From: Anonymous123
I hope I can reveal myself for you while celebrating my birthday, Honey. :/
From: Anonymous123
Today is my day!
From: Anonymous123
Can I call you even I can't speak? I just want to hear your voice.
From: Anonymous123
Later 12:00 AM. I call you and please be talkative.
From: Anonymous123
I'm always here for you!
From: Anonymous123
I'm such an Idiot while chatting a lot of messages, even though you can't reply. Btw don't mind me. Bye.
To: Anonymous123
I'll call you later. Happy birthday, Anonymous! ❤️
Napangiti nalang ako saka tinago ang cellphone ko at umakyat papubtang kwarto ko para mag-handa ng susuotin ko and as usual mag papants nalang ako dahil gusto kong mag big bike mamaya si Tulips lang naman ang mag ko-kotse dahil sya ang may dala ng mga regalo at cake.
"Sun!" rinig kong sigaw mula sa baba kaya naman lumabas ako at dinungaw sila.
"Yes?"
"Come here. Hindi ko alam kung anong design at name ang ilalagay ko sa mga cakes." sabi ni Carnation kaya bumaba ako.
"Yung mango para kay--"
"Uno. Yung velvet at black forest nalang ang sabihin mo." napailing nalang ako saka natawa gano'n din sila Tulipian at Lily habang si Hyacinth at Freesia ay nag dedesign na ng cupcake.
"Yung Velvet para kay Dos at Fourth yung black forest naman ay kay Fifth, Third at Sais." tumango naman si Carnation.
"What time ba aalis? Sana may gas pa yung Ducati ko na motor bike."
"As if naman mawala ka ng gasolina, Lily." bara ni Freesia kay Lily kaya naman napa-simangot nalang si Lily.
Ilang oras bago namin napag-desisyunang mag-ayos ng aming sarili dahil saktong 5:00 na at 7:00 ang pinaka-time na sinabi ni Quattro sa'kin.
Bumaba ako ng hagdan habang dala ang mga regalo na binalot ko habang suot ko ang fitted maong Jeans at turtle neck long-sleeved na crop top.
"Hoy! Sunflower bakit naman ganyan ang suot mo! Hindi ka si Helianthus ngayon si Sunflower ka!" siga wni Hyacinth.
"Tara nga dito pahihiramin kita ng damit na pang-birthday hindi pag-bugbugan." sa abay hila sa'kin ni Tulipian.
"Di ka mag momotor sila Carnation nalang. Ayan dress suot mo." sabay abot sa'kin nito ng isang dark blue na dress na may slip sa gilid.
"Gagi! Dress na naman."
"Wow! Maka na naman kala mo suki sya ng dress."
"Sige na labas na susuotin koto saka yung ashton martin nalang na kotse gagamitin ko pahiram ako."
"Go lang!" sigaw nito habang palabas ng kwarto.
Hinubad ko ang aking suot kanina saka ko sinuot ang dress na binigay ni Tulipian.
Tumingin ako sa salamin at kitang kita ang magandang hubog ng aking katawan expose ang maputi kong braso at hita.
Napangiti ako sa sarili ko dahil ito ang unang beses na mag-susuot ako ng gantong dress sa harap ng ibang tao.
Lumabas ako ng kwarto saka bumaba ng hagdan dalawa lang kami ni Tulipian na naka-suot ng dress.
"Told yah! You look gorgeous, Sunflower!" puri nito na kina-ngiti ko naman.
"So ayos na lahat?" tanong ni Freesia na kinatango naman namin pare - pareho.
"Sa kotse mona Tulipian yung mga cake kay Sunflower nalang yung mga gifts tutal naka-kotse naman kayo." sabi ni Carnation saka nag-lakad palabas ng bahay na agad naman naming sinundan.
Sumakay kami sa kanya-kanya naming sasakyan saka ito pinatakbo at nauna na sila Carnation sa'min dahil nag motor ang mga ito.
Ilang oras lang ng byahe ay nakarating ako sa isnag malaking mansion at tanaw ko ang aking mga kaibigan na naka-upo sa kanilang sasakyan at mukhang hinihintay ako.
Nag vibrate ang phone ko kaya naman sinagot ko ito at hindi na nag-abalang tumingin sa caller.
"Yes?"
"Where aye you?"
"Oyyy, Fourth! Nasa labas na kami kasama ko yung mga kaibigan ko."
"Alright. Wait me." sabay patay nito sa tawag kaya naman binaba kona ang cellphone saka pinarada sa tabi ang kotse saka ako bumaba habang hawak ang isang mailiit na bag.
"Yung mga regalo mamaya nalang natin kunin or ngayon na?" tanong ko.
"Ngayon na then later nalang natin ibigay." tumango naman ako kay Hyacinth saka ko natanaw si Fourth na palabas na ng kanilang gate.
Tumakbo ako papubta kay Fourth at niyakap ito.
"Happy birthday!" bati ko sa kanya at naramdaman ko ang bisig nito sa'king bewang.
"Thank you." sabay kaming naka-rinig ng tikhim kaya bumitaw ako sa yakap namin ni Fourth at nakita ko ang kanyang mga kapatid sa likod nito at mga kaibigan kong naka-ngisi kaya inirapan ko sila pero ngimiti lang ito sa'kin.
"Kami ba hindi mo babatiin?" mapanuksong sabi ni Third kaya lunapit ako sa kanila at binatukan ang mga ito.
"Happy birthday!" sigaw ko sa kanila.
"Si Uno?" tanong ko saka ko sinundan ang nguso ni Third.
Nakita ko si Uno na nakasandal sa pibto habang may hawak na sigarilyo napa-buntong hininga nalang ako hanggang sa inakay ako ni Fourth papasok sa loob ng mansion nila.
"Sunflower!" sigaw ni Tita Numerica ng maka-pasok ako sa loob ng mansion.
Yinakap ko ito habang naka-ngiti. "Kumusta po kayo, Tita?" tanong ko.
"Ayos naman. Na miss kita ang tagal na simula ng dumalaw ka sa mansion." tila nag-tatampo ang boses nito.
"Pasensya napo medyo bhsy lang po ako. Sya nga po pala kamasa kopo ang mga kaibigan ko." sabay turo sa kanila.
"Freesia? Ikaw bayan Ija?" takang tanong ni Tita saka mabilis na niyakap si Freesia.
Tinignan ko si Fourth pero nag-kibit balikay lang ito. Masyadong ma-sekreto si Freesia sa'min. Wala kaming balak tanungin sya mula sa nakaraan dahil alam naman naming hindi yon maganda.
Ilang saglit lang ay kumain na kami at nag-kwentuhan lang tungkol sa mga nakaraan at nabuklat na nga rin nila Tita ang tungkol kay Freesia at Fifth pero hindi namna lahat dahil tamdam ko ang pag-kailangan ng dalawa.
Sinubukan kong tignan si Uno na nasa tapat ko at tila nahiya ako dahil kita korin ang matalim nitong titig sa'kin kaya naman kumain nalang ako at iniwas ang tingin sa kanya.
Hindi na'ko Makapag-hintay na sumapit ang tamang oras para maibigay kona ang regalo ko kay Uno.
Lumapit ako kay Uno at hinawakan ito sa braso ng akmang lalabas sya ng bahay matapos ang aming salo salo.
"What?" malamig na tanong nito.
"Ahmmm... Can we meet later? Kahit sa may garden lang ni Tita ahmmm.... Gusto kolang ibigay yung regalo ko." kinakabahang aniya ko.
Tumango lang ito saka kinuha ang kanyang braso mula sa pag-kakahawak ko. Although nasaktan ako sa ginawa nya sa'kin pero nangibabaw ang saya ko kasi eto na yung chance para mabigay kona ang regalong matagal kong gustong ibigay sa kanya.
"Mirasol!" tawag sa'kin ni Fourth.
"Hmmm?"
"Regalo ko?" tanong nito.
Hinila ko sya palabas ng nahay saka ko sya binitawan at binuksan ang backseat saka ko kinuha ang mga regalo.
"Eto oara sayo." sabay abot ko sa kanya ng isang regalo.
"Isa lang?" tanong nito pero kinuha ko ang isang paper bag at inabot pa sa kanya.
"Dalawa lang. I know naman na hindi ka materialistic na tao kaya pareho kong pinag-hiralan nalang ang mga regalo ko sa'nyo." sagot ko.
Ginulo nito ang aking buhok at napa-iling. " Salamat. I really appreciate lahat ng gifts na galing sayo."
NAKAMASID ang isang bulto ng lalaki mula sa loob ng mansion sa 2nd floor tanaw nito ang dalawang tao na nasa-labas at tila sweet na sweet na inaabot ang regalo.
"You're mine!" matigaw nitong saad habang hawak ang isang can ng alak at nilagok ng sunod-sunod tila ba wala lang sa kanya ang pag-gihit ng alak sa lalamunan.
Matalim ang mga matang naka-sunod sa galaw ng dalawa. Igting ang panga nitong sinara ang bintana saka pumunta ng banyo oara linisan ang sarili
"F*ck! You're mine, Honey. Sa'kin kalang hindi ka pwedeng mapunta sa kanila." galit na wika nito habang naka-tapat sa shower ang katawan.
Yukom ang kamao na iniisip ang nakita kanina tila nag-iinit ang ulo ng binata dahil sa nasaksihan.
"Just wait for the right time at magiging akin ka. Walang pwedeng mag may-ari sayo ako lang! Si Uno Rivera lang!"
_strwbrgirl
May clue naba kayo kay Anonymous123?