MAINGAY ang paligid at ang bawat isa ay abalang nanonood sa maikling programang inihanda bago ang pasayaw. Nakagawian na iyon sa kanilang bayan. Ang unang bahagi ng pagtitipon ay isang programa at ang ikalawa naman ay ang magdamagang pasayaw na bukas sa lahat. Nang nagsasalita na ang emcee ay hindi niya inaasahan ang sumunod nitong sinabi. “At sa gabing ito ay matutunghayan natin ang special number ng isa sa mga ipinagmamalaki nating residente ng bayan ng San Simon. Mula sa baryo ng Tarcan, pasalubungan natin ng isang masigabong palakpakan si Binibining Caroline Almario!” Umugong ang malakas na palakpakan para kay Carol. At sa nakangiti at nakapustura nitong anyo ay batid niyang planado ang lahat. Kumindat si Carol sa kaniya bago nagsalita. “Maraming salamat po at binigyan ninyo ako ng

