Five years ago… NAGLULUTO siya at nanonood naman ng TV si Sachi nang marinig ang tunog ng doorbell. Tiyak niyang sa pinto nila nagmumula iyon dahil wala namang doorbell ang mga katabi nilang silid sa three door apartment na iyon. Sinenyasan siya ng kaibigan na siyang magbubukas ng pinto at laking pagkagulat niya nang makita ang kanilang bisita. “Vince!” Tumayo siya sa kinauupuan at agad na sinalubong ng yakap ang kaniyang bisita. Hindi siya makapaniwalang naroon ito at nasa harap niya. “Mabuti at natunton mo ako rito?” Hinawakan niya ang isang kamay nito at hinatak sa settee na naroon. “Ibinigay ng mamang mo ang Vinceress mo rito at hindi naman ako nahirapang maghanap.” Wika nito habang hinuhubad ang suot nitong sapatos. Napangiwi siya; gayunman ay hindi siya kumibo at pinanood lang it

