“TINANGHALI ka yata?” tanong ni Vincent kay Precious nang tumabi ito sa kanya.
“Oo eh. Hindi kasi ako agad makaalis dahil may ipinaluto pa sa akin ang Tiya Monica. Kanina ka pa ba?”
“Medyo…kumusta na?” Isang abot-taingang ngiti ang ibinigay niya kay Ikay. Miss na miss na niya ito at ang totoo ay walang sandaling nawala ito sa isip niya. He couldn’t do anything but to stare at her. Maging ang paghaplos sa kamay nito ay pilit na niyang iniiwasan. Gusto niyang tuparin ang pangako niya rito at iyon ay magsisimula sa pag-iingat din niya sa sariling damdamin.
Napakabata pa ni Ikay. Twelve years old? Very innocent and a real kid…pero hindi siya. Nangangahulugan iyon na ang lahat ng pagpipigil ay nasa kanya. Lahat ng disiplina ay kailangang sa kanya magmula at hindi rito.
“Ayos lang…kumusta ang buong week mo?”
Napahugot ng isang malalim na paghinga si Vincent nang sumandig si Ikay sa balikat niya. God, she was too touchy. Kinakabahan siya sa ugaling iyon ng dalagita. At one point ay ipinagpapasalamat niyang napaka-sweet nito pero nag-aalala siyang maging sa ibang tao ay taglay nito ang ugaling iyon. Nangangamba siyang mapagsamantalahan ito ng iba dahil sa kainosentehan nito.
“Ayos lang din naman. Hoy, Ikay, umayos ka nga nang pagkakaupo diyan. Mamaya niyan ay langgamin ang mga binti mo,” aniya kahit pa nga ang totoo ay gusto lang niya itong i-distract sa pagkakasandig sa kanya.
“Bakit? Ayos naman ang upo ko ah…” sagot naman nitong ni hindi tuminag sa puwesto nitong iyon.
“Ayos nga eh ang legs mo? Baka maluwang pa ang shorts mo sa loob ng palda mong iyan?”
Niyuko nito ang sarili at sinamantala niya iyon para bahagyang lumayo dito.
“Iniiwasan mo ba ‘ko, Special?”
Napasulyap siya rito at kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. “B-bakit ko naman iyon gagawin?”
“Napansin ko lang na para kang nandidiri sa akin. Last week, hinawi mo ang kamay ko nang hawakan kita. Tapos, ipinagtalop kita ng mangga pero nang isusubo ko na iyon sa’yo ay parang nainis ka pa. Nagbabago ka na ba?”
Anyong maiiyak ito kaya napilitan siyang umakbay rito. “Ano ka ba? Kung iniiwasan kita, hindi na ako pupunta sa lugar na ito. Wala akong sadya sa gawing ito pero bakit nandito ako ngayon? Para lang makita ka, Special…”
“Talaga? Friends pa rin tayo?”
“Oo naman.” Pinisil niya ang baba nito tulad nang dati niyang ginagawa. “Tigilan mo na ang emote-emote, puwede ba? Baka maiyak pa ako sa iyo niyan eh.” Tumawa siya at nahawa na rin ito.
Niyuko nito ang sarili at hinablot ang collar ng suot na blouse upang ilapit sa ilong nito upang langhapin. “Naliligo naman ako ah.”
Napatawa siya sa sinabi nito at may kung ilang sandaling gusto niyang kurutin ang pisngi nito habang nakatunghay sa kaniya.
“Alam ko naman, siyempre. Tigilan mo na nga ang pag-iisip ng kung ano-ano. Napa-praning ka lang eh.”
“Sige na nga. Akala ko lang kasi…wala, huwag mo na nga akong pansinin.”
May gusto sana siyang itanong rito pero siya na rin ang pumigil sa sarili. Hindi na kailangan pang palawigin ang topic na iyon at baka kung saan pa iyon mauwi.
“Siya nga pala, Ikay, may hihingin sana akong pabor sa’yo.”
“Ano iyon?”
Saglit siyang naghintay ng tiyempo at saka muling nagpatuloy. “Nabanggit ko na sa iyo minsan na mahilig ako sa books. Mahilig akong magbasa, Ikay…”
“Oo, natatandaan ko nga. Bakit? Magpapabili ka sa akin ng libro sa bayan?”
Napangiti siya. “Nalimutan mo na bang doon ako nagtitinda ng sigarilyo? Kung may kailangan ako ay kaya ko ‘yong bilin mag-isa.”
“Oo nga pala. Ano ba kasi ang gusto mong sabihin? Diretsahin mo na.”
Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago sumagot. “Puwede mo ba akong…isama sa mansiyon?”
Hindi na siya nagulat nang manlaki ang mga mata ng dalagita. Ang totoo ay inaasahan na niya iyon kaya nakapagtatakang nasaktan pa rin siya sa reaksiyon nito.
Ano nga ba ang i-e-expect niya mula sa batang tulad nito? Natural na matatakot itong magpapasok ng ibang tao sa mansiyon dahil baka makagalitan ito ng mga magulang. Aware naman siya sa mga ganoong senaryo. Ang mayaman ay nagkakaproblemang makipagkaibigan sa mga mahihirap dahil humahadlang ang mga magulang nito. Ang mga magulang kaya ni Ikay ay ganoon din? Matapobre din kaya sina Sir Fred at Ma’am Ramona?
“Ayos lang kung hindi puwede—”
“Sorry, Vince…ano kasi eh…h-hind ko kasi…”
“Okay lang. Naiintindihan ko. Alam ko namang imposible ang hinihiling ko…”
“Hindi sa ganoon pero—”
“Magagalit ang parents mo? Ang mga lolo at lola mo? Naiintindihan ko. Kahit nga ang friendship natin ay hindi nila dapat malaman, hindi ba?”
Nalukot ang mukha ni Precious at hindi ito agad nakakibo.
“Sorry, Ikay…Hindi ko gustong saktan ka. Huwag ka nang malungkot, sorry na…”
Ilang ulit itong napailing at tila biglang nangislap ang mga mata.
“Umiiyak ka ba? Hoy!”
“May gusto sana akong sabihin sa’yo, Vince…tungkol sa parents ko…”
“Ssssshhh,” putol niya sa sinasabi nito. “Huwag na, Ikay. Sabi ko naman sa’yo na naiintindihan ko, ‘di ba? Huwag na lang natin silang pag-usapan—”
“Pero kailangan mong marinig--”
“No. Basta ang mahalaga ay nandito tayo para sa isa’t-isa. Ano man ang mangyari ay magkaibigan tayo, okay?” Itinaas niya ang baba nito at hinaplos ang mga luhang nagsisimula nang maglaglagan sa inosente nitong mukha.
“Okay…”
“Huwag ka nang umiyak. Halika, mamasyal muna tayo sa gulayan ni Mang Kanor bago ka umuwi sa mansiyon.”
Saglit na bumadha ang pag-aalala sa anyo ni Ikay pero dagli iyong napalitan ng excitement. “Sige! Matagal ko na ngang gustong makita ang farm ni Mang Kanor na madalas mong ikuwento sa akin.”
Tumayo na siya at inalalayan din itong tumayo. Ilang saglit pa ay magkaagapay na silang naglalakad nito.