NATIGIL AKO sa paghakbang nang maaninag ang isang anino mula sa aking likuran. Kaninang umaga pa ako nakakahalata na parang may sumusunod sa akin mula nang umalis ako sa university. May ilang mga dokumento lang akong inayos para sa paghahanda ng practice teaching namin after graduation. Dapat ay mauna ‘yon ngunit priority ng S.U. ang graduation dahil sa maagang pagbubukas ng pasukan. Wala ni isang komontra sa buong department ng kurso namin dahil walang duda na lahat naman kasi ay papasa. Bukod pa roon, sa loob mismo ng university ay isa-isa kaming nag-demonstrate sa harap ng mga panel ng education course. Umalis man si Mary ay kasama ko naman si Paul at Anika. Ang saya ko talaga nang matupad ang pangarap kong makasama ang bestfriend ko sa pagtatapos ng kolehiyo. Kung paano niya nagawa i

