DINIG NA dinig ko ang mahinang bulungan ng mga tao na nakapalibot sa amin ni Marcus. Talagang naging agaw-pansin ang biglang pagsulpot niya sa tabi ko kaya naman pati ang mga guro at iba pang bisita ay maluwang na nakangiti sa akin. Wala naman akong magawa kung hindi ang tipid na ngumiti dahil baka kung ano pa ang isipin nila sa akin lalo pa at matamang nakatitig sa akin si Maam Espinosa. Naipagpasalamat ko na lang na bahagya siyang dumistansiya sa akin dahil baka mapagkamalan kaming may relasyon sa uri ng paghapit niya ng baywang ko kanina. Ano kaya ang nangyari kay Aling Merly? Hindi pa rin ako komportable na katabi ko si Marcus. Para akong naaalibadbaran! “Smile, Zoie,” bulong niya. “Baka isipin nilang tinatakot kita.” Hind ba? “What did you expect? Matuwa?” Hindi ko na naitago pa a

